Kumawala si Aila mula sa yakap ni Cairo. Masyado na niyang nagugustuhan ang magpakulong sa mainit na mga bisig ng binata. Mahirap nang makasanayan, baka hanap-hanapin niya. “Ang OA mo naman. Okay na naman ang lahat. Wala ka nang dapat ipag-alala. Ituloy mo nalang kasi 'yong plano mo for today. At ako, gagawin ko din 'yong dating gawi.” “Sasamahan na kita. Tutulungan na din kita sa kung anumang ginagawa mo.” Pagpipilit ni Cairo. Ang kulit lang. Gusto nga niya ng time for herself. Para ma-composed naman niya ang sarili. Matapos ang ginawa nitong pagyakap sa kanya, para bang niyanig ng lalaki ang buo niyang sistema. “Bahala ka nga!” pagsuko ni Aila at hinanap si Mang Lucio. “Anong bagong halaman ang ipapakilala niyo sa akin ngayon, Mang Lucio?” bati niya sa hardinero na abala sa paglili

