Chapter 49-A day to relax and enjoy

1143 Words

“AYON po sa inyong ipinadalang utusan ay maayos naman ang lagay ng hinirang na binibini. Sa ngayon po ay magkasama na sila ni Cairo. Kung inyo pong ipag-uutos, ipapasundo ko na po sila sa ating mga utusan.” Tumikhim si Ryeuki matapos marinig ang ulat ng kanyang kanang kamay. Kahapong hindi makita si Aila ng mga tagasilbi para sa hapunan, nagkaroon na siya ng hinala na maaaring nakagawa ng paraan ang dalaga para makalabas ng kanyang kastilyo. Alam niyang ganoon nalang katindi ang kagustuhan ni Aila na maintindihan si Cairo. Ipinagtataka lang niya ay kung bakit hindi ito nagtangkang humingi ng pahintulot sa kanya para makalabas. Iniisip ba ni Aila na hindi niya ito papayagan? Hindi naman nila bilanggo ang hinirang na binibini. Pinangangalagaan lang nila ito kaya hindi hayaang lumabas bas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD