BUMALIGWAS ng bangon si Cairo. Medyo nangangalay na ang batok niya sa matagal na pagkakasubsob sa kahoy na higaan. Noon lang napansin ni Cairo na wala na siyang binabantayan. Bigla ang daloy ng pag-aalala niya. Ang huling sandali na nakita niya si Aila ay masama pa din ang pakiramdam nito pero sa paggising niya ay wala na. Hindi niya mapigilan ang matakot at mataranta. Baka kung saan na naman ito nagpunta at mapahamak. Patakbong lumabas ng silid si Cairo. Naabutan niyang nagluluto si Aling Marta sa may kusina. “Nasaan po si Aila?” tanong ng binata. “Ah, kasama ni Nico. Mamamasyal daw sila.” Hindi lumilingon na sagot ni Cairo. “Pero nilalagnat siya kagabi. Baka mabinat pa siya.” “Maganda na din na masinagan siya ng araw. Maputla ang balat ng batang iyon. Halatang hindi gaanong naaara

