TUMANGO si Aila bilang pag-sang ayon. Tama naman si Aling Marta. Kung may paggalang sa bawat isa, walang g**o, walang away. Sana ganoon nalang ang mundo. Hay, bakit ba niya pinoproblema ang mundo. Bahala nang mamoroblema ang mundo sa sarili nito. Ang dapat niyang intindihin ay ang sariling problema. Binalingan niya si Cairo. Tulog na tulog pa din ito. Sandali niyang hinaplos ang buhok ng natutulog na lalaki. “Maghahanda lang ako ng almusal natin.” Paalam ni Aling Marta. “Maaari po ba akong lumabas sandali? Gusto ko lang pong mamasyal sa labas. Napakaganda po ng lugar ninyo at gusto kong mas makita pa.” Ngumiti si Aling Marta. “Oo naman. Mas maganda para sayo ang masinagan ng araw. Pero kaya mo na ba? Medyo namamaga pa din ang balakang mo.” Tumango siya. “Hindi naman po ako nabalda.

