“Para kasing magkahawig sila ni Kroen. Isang beses mo palang nadala dito si Kroen pero natatandaan ko ang mukha niya.” “Magkahawig nga sila, Aling Marta. Noong una ko siyang nakita, akala ko talaga, siya si Kroen.” Napangiti sa sarili si Cairo. Hindi niya makakalimutan ang unang araw ng pagtatagpo nila. Kung paano namilog ang mga mata nito sa pagkagulat at pagtataka sa mga pinagsasabi niya. At pati na din kung paano nila natuklasan na kaya nitong kontrolin ang katawan niya. “Magkahawig din ba ang damdamin mo para sa dalawang babae?” bigla ay tanong ni Aling Marta. Napabaling tuloy si Cairo sa ginang. “Kailangan mong timbanging mabuti kung ano ba talaga ang nararamdaman mo, Cairo. Nakikita kong ganoon nalang ang pag-aalala mo para sa binibini. Pero paano si Kroen kapag nagbalik siya? G

