“Kuya Cairo! Bumalik ka na ulit! Ang tagal naming naghintay ni Ina sayo!” tuwang-tuwang nagpakarga ang batang lalaki kay Cairo. Malambing na kinarga naman nga iyon ng binata. “Naging abala lang ako nitong mga nakaraang araw.” “Halika na sa loob. Dito ka maghahapunan sa bahay, hindi ba? Hindi ka muna aalis?” “Oo na, batang makulit.” Natatawang sagot ni Cairo. At naglakad palapit sa bahay ang mga ito. Bahagyang nagtaka si Aila. Ang sabi ni Ryeuki ay isa lang ang kapatid ni Cairo at hinahanap pa hanggang ngayon. Base din sa kwento, sa tantiya niya ay binatilyo na si Kannon. Kaya… sino ang batang karga-karga ni Cairo at tinawag pa itong kuya? Naupo muna si Aila sa malaking ugat ng puno, hindi kalayuan sa bahay ba pinasok nina Cairo. Mga ilang oras kaya si Cairo sa loob ng bahay na iyon

