HININTAY ni Cairo na makabalik sa loob ng kastilyo ang kamahalan bago siya nagpasya na mamaalam sa gagawing paglabas ng palasyo. Alam niyang nangako siya sa sarili na hindi aalis sa tabi ni Aila. Sinabi niyang hindi iiwan ang dalaga para sa mga pansariling misyon. Pero dahil protektado ang buong kastilyo ng salamanka ng shaman na si Maia, naging panatag na din siya. Siguradong imposible nang maulit ang nangyari noon. Isa pa, kailangan din naman niya iyon. Kapag ganitong balisa siya at dinalaw ng panaginip mula sa nakaraan, kailangan niya talagang umalis para muling mapakalma ang sarili. “SAAN pupunta si Cairo?” Hindi napigilan ni Aila ang magtanong kay Ryeuki. Nakadungaw ito sa may railings sa second floor. Pinapanood ang paglabas ni Cairo ng gate. Medyo nagtaka siya kasi maghahapon

