Chapter 43- What's behind his nightmares

1172 Words

May naririnig si Aila na umuungol mula sa kung saan. Sinundan niya ang pinagmumulan ng malakas na ungol. Nakahiga si Cairo sa isa sa mga wooden bench na nakakalat sa malawak na lawn. Magdadapit-hapon na at nandoon ito, natutulog. Hindi. Mukhang binabangungot ang lalaki. Pabiling-biling ito mula sa pagkakahiga habang malakas na umuungol. Nilapitan ni Aila ang natutulog na binata at malakas na inalog hanggang sa magising. “Cairo… gising, Cairo. Binabangungot ka.” Alog niya sa lalaki. Panay ang pilwag ng mga kamay nito na para bang sumasalag ng kung ano. “Huwag!!! Maawa kayo!” Bigla ang pagbangon ni Cairo na tila ba naalipungatan. Nanlalaki ang mga mata nito at halata ang matinding takot sa mukha ng lalaki. Nag-alala tuloy siya. Ano kaya ang napanaginipan ni Cairo? Bakit ganoon nalan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD