“MAY problema ba tayo, Aila?” Hindi nakatiis na tanong ni Cairo sa dalaga. Napansin kasi niyang magmula nang makabalik sila sa palasyo, hindi na siya kinakausap ni Aila. Ang mas masama pa ay para bang iniiwasan siya nito. Palagi siyang nakasunod sa dalaga saan mang bahagi ng palasyo ito magpunta. Ipinangako kasi niya sa sarili na hinding-hindi na muling hahayaan na masaktan si Aila. Pero napansin din ni Cairo na para bang palaging mainit ang ulo nito kapag nasa malapit siya. Magiliw ang dalaga sa mga tagasilbi ng kastilyo, pero sa kanya ay hindi. Hindi na tuloy nakatiis si Cairo at kinompronta na ang dalaga. “Anong magiging problema natin?” pambabalewala ni Aila. Itinuloy nito ang paglalakad sa mahabang pasilyo. Kung saan ito pupunta ay hindi niya alam. Wala pa ding nababanggit ang k

