NAGSIMULA ang paglalakbay nina Aila papasok sa loob ng madilim na kagubatan. Habang daan ay nagpakilala sa kanya ang dalawang kawal na sina Darius at Abel. Masayang kausap ang mga ito. Habang naglalakad ay nakikipagkwentuhan siya sa dalawa habang si Cairo naman ay nananatiling tahimik at nangunguna sa paglalakad. “Di ba, dito kayo muntik nang masunog ni gurong Rabiyo, Cairo?” tanong ni Darius kay Cairo. Hindi sumagot si Cairo. Panay ang tingin ni Darius sa paligid. Tama ba ang narinig niya? Muntik nang masunog si Cairo sa loob ng kagubatang iyon? Pero kailan nangyari iyon? Wala siyang makitang trace ng sunog. “Paanong muntik nang masunog?” mahinang tanong ni Aila kay Darius. “Hindi mo alam?” Umiling si Aila kay Abel. “Ganito kasi iyon.” Panimula ni Darius. “Muntik nang masunog ng bu

