First time na ginamit ni Cairo ang mga salitang itinuro niya rito. Actually, madali naman itong turuan. Parang sponge ang utak nito na isang beses palang niyang itinuro ay nakabisa na nito. Ngayon nga ay ginagamit na sa pakikipag-usap sa kanya. Napapakamot sa sariling ulo na ngumiti si Cairo. “Tama ba ang paggamit ko?” Sunod-sunod na tumango siya. Ngayon, wala na silang language barrier. “Tuturuan ulit kita ng madami pa, next time.” “Next time, ibigsabihin ay sa ibang pagkakataon?” Malapad ang ngiting tumango ulit ang dalaga. “You’re doing great!” Iniyuko nito ang ulo sa harap niya. Nagtaka siya sandali. Pero na-gets niya ang gusto ng lalaki. Gusto niyang matawa sa sarili. Sinabi niya kasi kay Cairo na ang show of appreciation for a job well done ay ang paghaplos sa ulo. Na actuall

