Chapter 55- Something is wrong...

1129 Words

Napatango-tango si Aila. Hindi naman nga nila masasabi ang pagkakataon. Paano nga kung dumating sila sa ganoong punto? Mabuting alam na niya ang paraan kung paano i-handle ang ganoong sitwasyon. Itinuro ni Gurong Rabiyo ang teknik ng magaang paghawak ng samurai at hindi naman naging mahirap sa kanya na matutunan iyon. Ilang sandali pa at gula-gulanit na ang pang-itaas ng ginoo. Matapos ma-satisfied ang guro sa kanyang ginawa ay hinamon naman siya nito ng isang labanan. Nasa kalagitnaan sila ng pag-i-sparring nang dumating sina Cairo, Darius at Abel. Maski hindi tumingin o lumingon ay alam ni Aila na ang dumating ay ang tatlo. Una ay dahil sila lang naman ang nandoon sa lugar. At higit sa lahat, sinanay siya ni gurong Rabiyo na makiramdam sa paligid. Nagigitgitan ang mga talim ng samurai

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD