KINABUKASAN. Isang malakas na tili ang pinakawalan ni Aila nang magising. Humahangos na pumasok naman si Cairo kasunod nito ang tatlong iba pa na para bang nagulat sa malakas na pagtili niya. “Anong nangyari?” bakas ang matinding pag-aalala ni Cairo na dinaluhan siya sa kama. Inabot nito ang mga braso niya at ininspeksyon ang kanyanv katawan habang nakaupos pa din sa higaan. Nagpapadyak si Aila. “Bakit hindi niyo ako ginising?!” asar na sambit niya at tumingin sa labas ng bintana. Mataas na ang araw. “Hindi ko na nakita ang sunrise!” Malakas na nagbuntong-hininga si Aila at marahas na binitawan siya. “Akala ko naman ay kung ano na. Kung makatili ka diyan, para kang nasa panganib.” “Ano ba ‘yong sunrise, Cairo? Kagabi pa niya binabanggit iyon.” Nagtatakang tanong ni Abel. “Gunggong

