“Nanganganib ang kaibigan mo, Ginoo. Isang halimaw na tubig ang salarin.” Iyon ay bungad sa kanya ng shaman. Bahagya pa siyang nagulat na alam nito ang sadya niya. Pero ano bang nakakapagtaka sa isang shaman? Malamang na nababasa na nito base sa ekspresyon niya. Ipapaliwanag pa sana niya ang nangyari pero muli siyang pinigilan ng shaman. “Huwag ka nang magsalita. Dalhin mo na ako sa kastilyo, ngayon din. Walang dapat sayanging sandali. Ungi-unti nang nauubusan ng hangin ang kaibigan mo.” Sa narinig ay agad agad na isinampa niya sa kabayo ang shaman. Mabilis din siyang sumakay at pinatakbo ang kabayo. Halos palipadin ni Cairo ang kabayo sa pagmamadali. Pagkababa palang mula sa kabayo ay agad na dumeretso ang shaman sa hardin. Medyo nagtaka pa si Cairo na alam ng shaman kung saang bahag

