bc

The Racer Princess and The Jerk

book_age16+
207
FOLLOW
1.4K
READ
love-triangle
playboy
goodgirl
tomboy
independent
tragedy
sweet
campus
highschool
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

"Why did you c ome back, K-kuya Jaz?" She asked again. She couldn't hold back her tears anymore. After five long years, bumalik sa piling niya ang kuya-kuyahan niya matapos itong umalis ng walang paalam.

"Don't cry, my princess. Your old buddy's already here. I will never leave you again." A smile drew on his face. Oh how she longed to see that again. He's now just a few inches away from her.

She thought it would be a happy ever after but she was wrong. It would be more painful than yesterday.

chap-preview
Free preview
Episode 1
“Ma’am Liel, sana ikaw na ang next.” Natatawa si Liel dahil sa mga kasama sa lamesa nang mga sandaling iyon. Siya na lamang kasi ang hindi nabubunot sa raffle. She didn’t mind at all but her workmates put pressure on her by chanting her name everytime the event host drew out the winner. Sa kanila ang pinakamaingay na mesa. Consolation prizes pa lamang naman ang pinamimigay nang mga sandaling iyon pero napapraning na ang mga kasama niya. It was their company’s anniversary party. “Liezel Veronica Arceo, Liezel Veronica Arceo, Liezel Veronica Arceo.” Para na siyang santo sa paulit-ulit na pagsambit ni Prix sa pangalan niya habang naka-crossfingers ito. Ngunit ibang pangalan ulit ang tinawag ng host. “Ano ba ‘yan, girl? Ang malas mo talaga sa raffle. Lagi ka na lang kulelat ‘pag year-end party.” naiinis na sabi ni Prix. She crossed her arms kaya lalong lumuwa ang cleavage nito sa suot nitong evening gown na may malalim na v-neckline. Siya naman ay nakapormal na pulang tube jumpsuit at pulang blazer ngunit hindi nakasuot, ipinatong lamang niya sa kanyang balikat. “Okay lang sa akin kung hindi ako mabunot. Ano ba kayo? Tigilan niyo na ang pag-oorasyon ng pangalan ko.” saway niya sa mga kaopisina. “Not okay. Kailangan tayo-tayo pa din sa finals, Ma’am!” tutol ni Crista na isa sa kanyang mga staff. “Ay, ayan na! Bubunot na ulit!” Napaigtad pa ito nang magsalita ang host. At eto na naman ang mga kasama niya sa pagsigaw sa pangalan niya. Si Crista ay napapatili pa sa sobrang excitement. “Okay guys, we will now draw our 4th major prize. Three days and two nights travel to Ilocos plus full accommodation.” sabi ng host. Liel really didn’t care at all. She was just enjoying her wine when she heard the drums rolled. Lalo namang lumakas ang boses ng mga kasama niya sa mesa. “Ms. Liezel Veronica Arceo! Congratulations! Please claim your prize here!” Pagkasabi noon ay nagtalunan ang mga kasama niya at tuwang-tuwa. She laughed seeing them overly happy. Napailing na lamang siya sa kabaliwan ng mga officemate. Habang nagpapapicture siya sa mga boss nila sa harap ay nadidinig pa din niya ang sigawan ng mga kasama niya. Bahagya tuloy siyang nahiya. Pagbalik niya sa kanyang mesa ay isa-isang bumeso ang mga kasama na akala mo ay nanalo siya ng isang milyon sa show ni Willie Revillame. She was lucky, yes, but it was not her thing. Mas gugustuhin pa siguro niyang sumama sa pinsan sa Cagayan kaysa magpunta sa Ilocos. But maybe this one would do. Masayang natapos ang party pero kumikirot na ang ulo niya dahil kanina pa siya inaantok at pinipigilan lang niya. Nagpipicture-taking pa ang iba niyang kasama pero nagpaalam na sila ni Prix dahil ito man ay gusto na ding umuwi. "Ang swerte mo, girl. Madami ang gustong mapanalunan ‘yan 'cause everyone in this company needs a break. Tapos sa walang travel goals na tulad mo lang mapupunta. I bet ‘di ka excited. Kilala kita, gir.!" pag-iinarte ng officemate-s***h-kaibigan niyang si Prix habang papalabas sila ng hotel. "Kung trasferrable lang ‘to, ibibigay ko na sa'yo. This isn't my thing but I also need a break!" tugon niya. "So, pupunta ka nga? At sino ang isasama mo? Trip for two ‘yon. Sayang naman kung ikaw lang mag isa–Oops! Sorry! Single ka nga pala." Sabay halakhak nito. Alam niyang sinadya nito na sabihin iyon. "Ikaw na lang ang isasama ko, if you like." "Seriously, my friend, kaya siguro hindi ako ang nanalo diyan ay dahil uuwi sina Mommy at Daddy next week from States at kailangan kong mag-asikaso sa bahay. Although, gusto ko ring pumunta sa Ilocos Norte, but not now and not with you. Ang boring mo kaya sa dagat. Remember noong company outing natin? Nagtulog ka lang sa hotel." May pagka-maldita talaga ang kaibigan niyang ito. "Anyway, pumunta ka na, Liel. Sayang naman ang bakasyon." pamimilit ng kaibigan. "Alam mo ang OA mo. Pag-iisipan ko pa rin. Gusto kong magunwind pero inaaya ako ng pinsan kong mag motocross next weekend eh." "Ayun, kaya naman pala. Motor na naman. Motor na nga sa trabaho, motor pa din sa labas. Paalala lang, Miss Arceo, you were created to wear panties at hindi ng brief." pag-eemphasize nito sa “Miss”. "I know and excuse me, hindi ako t-bird, 'no. It's just that, I grow old with those stuff." depensa niya. Since she was a child, sa kotse na umikot ang mundo niya. Her toys were miniature cars. She once had a barbie doll pero mga ipis lang ang naglaro. Napakalaki ng impluwensya ng Papa niya, she even dreamed to be a racer ngunit 'yon ang hindi tinolerate ng magulang niya dahil daw babae siya. At hindi rin siya pinayagang magkaroon ng sariling kotse, which she wished on her eighteenth birthday, dahil baka raw mamana nito ang addiction ng ama sa kotse. She acted like a boy. She never got used to wearing skirts, blouses, high heels and all that. Mabuti na lamang at kahit paano, habang nasa teenage years, ay naturuan siya ng Mama niya on how to dress formally. Hanggang sa makapag-aral siya ng Management sa isang private university at nang magkatrabaho siya ay nadala naman niya kahit paano. She preferred to work in a motor company para kahit paano ay magkaroon ng katuparan ang pangarap niya noong bata pa siya. Masaya siya sa trabaho niya. Pakiramdam niya ay malapit lang ng ama niya. Namiss na naman tuloy niya ang pamilya. She was very thankful to her father and mother for raising and taking care of her very well. "Liel, gotta go. Iniintay na ako ni Gerry." Liel was waist-deep from reminiscing. "Ah, S-sige. Happy weekend. Bye!" Siya naman ay nagtungo na sa parking lot kung nasaan ang kanyang kotse. Nang ilang metro na lamang ang layo niya mula sa sasakyan ay may natanaw siyang dalawang ulo na naglilingkisan. Really? Making out in a parking lot? Inis niyang sabi sa sarili dahil doon nakahilig ang mga ito sa kotse niya. Paano niya aabalahin ang dalawang sawa na nagtutuklawan? At doon pa talaga sa may pinto ng driver’s seat! Kailangan talaga niyang makiraan. Binagalan niya ang lakad para bigyan ng pagkakataon ang mga ito na makaramdam na may ibang tao na sa paligid. Ngunit hanggang makarating siya sa harap ng kotse ay tuloy pa rin ang dalawang nilalang sa ginagawa. Kaya naman tumikhim siya. “Ahem! I need to go but you’re both leaning against my car door. May I excuse myself?” sarkastiko at may halong inis niyang sabi. Sabay ang mga ito na nag-angat ng paningin at pinaghiwalay ang mga mukha mula sa pagkakadikit ng mga nguso nito. But to her surprise, the guy was her childhood friend that she had not seen for five years. Ito man ay nagulat din. Pero muling ipinulupot ng babaeng may kulay mais na buhok ang isang braso nito sa batok ng lalake. Ang isang kamay ay hinawak sa baba nito para ibaling dito ang paningin. Saka itinuloy ang naudlot nilang paglalampungan. Sa katabing kotse naman humilig ang mga ito. Nang magbalik siya sa ulirat ay mabilis siyang pumasok sa kotse niya at humagibis ng takbo. Her heart was pounding. Sa ganoong pagkakataon pa talaga sila pinagtagpo ng kababata niya. Ni hindi tuloy sila nakapagbatian man lamang. “Damn!” she said while holding the steering wheel tightly. Nang sulyapan niya ito sa side mirror ay alam niyang nakilala din siya nito dahil ang mga mata nito ay nakadako sa kotse niya habang patuloy sa paghalik ang babaeng mais. “Same old Jaz that I used to know.” Lalong kumirot ang ulo niya sa tagpong iyon. Nagbalik na pala ito sa Pilipinas. Saan kaya ito tumutuloy ngayon? Hindi naman niya napansin na may umuwi sa katapat nilang bahay. Ilang taon nang walang umuuwi sa bahay na iyon. Panay ang caretaker lamang ang nakikita niya doon. Hindi nakatulog ng maayos si Liel ng gabing iyon. Mabuti na lamang at weekend kinabukasan. Pagbangon sa higaan ay tumanaw siya sa bintana para tignan ang katapat na bahay–ang bahay nila Jaz. Muling nagbalik sa isipan niya ang pangyayari kagabi. Hindi na siya magtataka na nagawa iyon ni Jaz. Alam naman niyang kahit noon pa lang mga teenager sila ay chickboy na ito. Pero hindi niya inaasahan na sa ganoong tagpo ang muli nilang pagkikita. Kumusta na kaya ang kababata niya? Somehow, she wanted to see him again to talk about the past. But she was still in the process of moving on kaya naman nagulo na naman tuloy ang damdamanin niya nang makita ito. Muli niyang tinanaw ang katapat na bahay. Ang kwarto nito ay katapat mismo ng kwarto niya. Mukhang wala naman ito doon dahil napakatahimik pa din ng bahay. Ni wala ngang nakapark na sasakyan sa garahe. Baka may sarili na itong bahay sa kung saan mang sulok ng Pilipinas at hindi na ito babalik pa doon sa village nila. She took a deep sigh then dressed up. Lalabas siya para mag grocery maya-maya. Little did Liel know, Jaz saw her in her window. He was already standing there before Liel looked out. _____ Biglang nagtago si Jaz sa gilid ng bintana at palihim na sumusulyap kay Liel. Mabuti na lamang pala at hindi siya umalis agad ng bahay dahil inutusan muna niya si Mang Gerard na dalhin sa car wash ang kotse. Akala kasi niya ay walang tao kila Liel kaya balak sana niyang bumalik na sa hotel. He missed his childhood friend. Kagabi ay galing siya sa isang convention kasama ang mga kapwa inhinyero. Kasama niya noon ang mga colleague niya pero di niya akalaing aabot sila sa tagpong iyon ng isa sa mga babaeng katrabaho. She had been giving him hints even before they arrived in the Philippines pero noong gabi lamang sila nagkaroon ng pagkakataon kaya pinagbigyan niya ito. But of all people na makakakita sa kanya ay si Liel pa. Ang dati niyang pinaka-iingatang si Liel. Nawalan siya ng gana bigla sa kahalikan. Humingi siya ng paumanhin dito saka ito iniwan sa parking lot. Dali-dali niyang sinamsam ang mga gamit sa hotel matapos mapagdesisyunan na sa lumang bahay na lamang siya tutuloy hanggang matapos ang convention. Umuwi siya agad sa Corinthian's noon para sana abutan si Liel pero nang makauwi siya ay patay ang mga ilaw sa kabilang bahay. Hindi siya sigurado kung nakauwi na ba ito o hindi pa. Malaki ang pinagbago ng tahanan nito. Tumaas ang bakod maging ang gate. Parang galit sa tao ang mga nakatira doon. "I can't believe I saw her. Oh, man!" Nasabi na lamang ni Jaz nang makahiga na siya sa kama. It had been five long years since he last saw Liel, the coolest girl he had ever met. But she was a real woman now. Hindi na tama pang tawagin itong bubwit dahil hindi na bagay ang mga name-calling niya noong mga bata pa sila. Sixteen years ago... "Humanda ka sa akin, Marky. 'Wag kang magpapakita sa akin bukas!" sabi ng isang batang babaeng nakasalampak sa lawn at umamba pa ng suntok habang nakatanaw sa batang lalaking tumatakbo palabas ng gate. Napukaw ang atensyon ni Jaz ng tinis ng boses nito dahil sa sobrang inis sa batang lalaki, na sa hula niya ay kaklase ng batang babae. Mukhang tinulak ito ng batang lalaki sa likod kaya ito sumubsob sa damuhan. Natatandaan niya ang batang babae, ito ang kapit bahay nila. Bagong lipat lamang ang pamilya ni Jaz sa Corinthian's Village. Mas malapit kasi doon ang trabaho ng Papa niya. He decided to help the little girl. Habang palapit siya ay tumayo naman ito at nagpagpag ng palda. Pinunasan nito ng likod ng palad ang mukha na nalagyan ng buhangin. Matapos ay pinulot ang bag nito at naupo sa bench. Pulang-pula ang mukha ng babae at pawis na pawis. Doon ay ipinagpatuloy ang pagpagpag sa sarili at gamit. "Hi. Need help?" he offered but the girl did not bother to look at him or even say a word. Sungit. Sabi niya sa isip. Naupo siya sa tabi nito ngunit tumayo ang batang babae at lumipat ng upuan. Pero sinundan niya ito. Gusto sana niyang makipagkaibigan bilang bago silang magkapit-bahay at lagi na niya itong makikita. He was also thinking that they could be good playmates. May pagkaboyish kasi ito. Nang maramdamang sumusunod siya ay lumingon ito at tiningnan siya ng masama. "Sino ka ba? Ha?" The girl shouted in a high-pitched tone. Masakit sa tainga. "Ang tapang mo naman. By the way, I’m Brandon Jace." He smiled, though it looked like a grin. Iyon kasi ang normal niyang ngiti. "Nakakainis ang mukha mo. Bakit mo ako pinagtatawanan? Gusto mo din ng away?" Kumagat ang batang babae sa ibabang labi saka tumingin ng masama sa kanya. Mukhang nagkamali siya ng akala na magiging mabuting kalaro ito dahil may pagkawarfreak pala ito. Inayos niya ang ngiti saka nagsalita. "Kakalipat lang namin sa Corinthian's, 'di ba doon ka din nakatira? Doon kami sa tapat ng bahay niyo." Pagpapaliwanag ni Jaz. Bigla ay nagbago ang timpla ng mukha ng kausap niya. "Ah... Nanay mo ba ‘yong magandang babae na laging kausap ni Mama? Si Tita Cherry?" Namimilog na ngayon ang mga mata nito. Hindi tulad kanina na nanlilisik. Mukhang kalmado na ang batang babae. He guessed they were starting to have a good conversation. "Oo. Mama ko siya. Ano ang pangalan mo?" Naupo siya sa tabi nito at umusog naman ito ng bahagya para bigyan siya ng space. "I’m Liezel Veronica. Dito ka rin ba nag-aaral?" She was so cute when she pouted. "Hindi pa. Inaayos palang ang papers ko para matransfer ako dito sa school. Tomorrow will be my first day." Nakangiting saad niya. "Ah. Pero mukhang matanda ka kaysa sa akin. Grade 4 pa lang ako. Ikaw?" Palagay na ang loob nito sa kanya dahil nagkukuyakoy pa ito habang nakikipagkwentuhan. "Oo. Kuya mo na ako. Pero grade six pa lang ako." Biglang may bumusina sa may gate kaya sabay silang lumingon doon. "Ay! Ayan na si Papa. Gusto mo bang sumabay pauwi?" tanong ni Liezel sa kanya. She also has a charming smile. "Hinihintay ko pa si Mama, eh. Sige Liezel, nice meeting you." pagpapaalam niya. "Okay. See you around, Kuya Brandon Jace." Matamis na ngiti ng batang babae saka ito nagmamadaling tumakbo palabas ng gate. _____ Nakasilip si Jaz sa garahe nila Liel at pinapanood lamang ang kapit-bahay na batang babae habang siya ay padribble-dribble ng bola sa daan. Nakatunghay si Liel sa amang nagkakalikot ng kotse doon. Bukas ang gate kaya malayang nakikita ni Jaz ang kapit-bahay. Gusto sana niyang ayain maglaro si Liel pero madalang itong lumabas ng bahay. Ilang araw na niya itong tinitiyempuhan sa gate pero hindi siya nito napapansin. Nahihiya pa kasi siyang tawagin ito dahil hindi pa sila masyadong close. Mukhang masaya pa naman ito kalaro dahil magaganda ang laruan nito–puro mga panlalaki. "‘Pa, astig nitong kotse. Kanino 'to?" Nadinig niyang tanong ni Liel habang pinagmamasdan ang loob ng asul na 1999 Ford Mustang. Bakas sa mukha nito ang sobrang amusement. "Kay Tito Alex mo. Luma na ‘to. Pinahiram lang for road test. Kababago lang kasi ng set-up nito." Sagot naman ng Papa ni Liel. Hindi niya nagets ang sinabing iyon ng tatay nito pero si Liel ay puno pa rin ng pagkagiliw sa ginagawa ng ama. "'Yong sa akin naiwan sa shop niya iko-customize rin daw. Siguro the day after next, eh magagamit na 'yon. Isasama kita." Napatalon si Liel sa tuwa. Hindi niya naappreciate ang sinasabi ng tatay nito pero ang batang babae ay walang pagsidlan ang galak. She was wearing a broad smile that made her a lot cuter. "Wow sige, ‘Pa. Paglaki ko turuan mo din ako magpaandar ng kotse ha? I want to be a racer like you." Liel told her father. The old man laughed heartily. "Sure, sweetheart but only if you become a good girl." natatawang sagot ng Papa nito. Saka yumakap si Liel sa ama. Dumaan ang mga araw at linggo at naging maayos ang samahan ng pamilya nila Liel sa pamilya nila Jaz. Paminsan-minsan din silang naglalaro ni Liel ng mga laruan nitong mga de-remote na kotse. Minsan ay sa bahay nila Jaz pero madalas ay sa bahay nito dahil madalas umalis ang mga magulang niya at ipinagbibilin lamang siya sa Mama ni Liel kapag rest day ng yaya niya. _____ "Ang tagal naman magbakasyon. Tinatamad na akong pumasok." Kagigising lang ni Liel pero gusto niyang magpa-late para maiwan siya ng school service. Sigurado kasing ihahatid siya ng Papa niya, papagalitan siya, but she couldn't help it. She was very fond of watching her father driving the car. Pupungas-pungas siyang lumabas ng kwarto niya. While going downstairs, she was about to yawn when she noticed the boy sitting on their couch. "Good morning." masayang bati ni Jaz nang mapansin siya nito. Nakangisi na naman ito pero nasanay na siya sa nakakainis nitong ngiti. "Morning." Tipid niyang sagot at muli siyang naghikab. "Liel, dalian mong kumilos male-late na kayo ni Jaz. Ihahatid na kayo ng Papa mo." sabi ng Mama niya na nakaupo sa katapat na sofa ni Jaz. "Bakit po? Hindi po ba sa school service?" Pagtataka niya. "Ibinilin si Jaz ni Tita Cherry mo, Umalis kasi sila ng Papa ni Jaz. So your father decided to take you two to school. Dadaan kasi siya sa shop ni Tito Alex mo." Paliwanag ng kanyang ina habang nagkakape sa sala at nagbabasa ng dyaryo. "Oh, I see." Ikinatuwa niya ang narinig. She moved faster as faster can get. ‘Yon naman talaga ang gusto niya, ang ihatid siya ng ama. She just loved seeing his father drive. Hindi siguro niya pagsasawaan ang bagay na iyon. Pinapangako niya sa sarili na gagayahin niya ang ama paglaki. "I'm ready!" sabi niya makalipas ang ilang minutong paghahanda ng sarili. Nakita niyang tumayo si Jaz at nginitian naman niya ito. "Let's go, Jaz." Simula din nang araw na iyon ay lagi na silang magkalaro ni Jaz. Nagkapalagayan na sila ng loob bilang magkalaro. Malaki kasi masyado ang agwat ng edad nila ng Kuya Brew niya kaya kahit na close sila ay hindi sila gaanong nagkakabonding dahil magkaiba sila ng trip.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

Taz Ezra Westaria

read
110.9K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
208.6K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K
bc

Loving The Heartbroken Man (Juan Miguel)

read
136.2K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook