Fatty's POV Mabigat ang mga mata ko nang imulat ko ito, parang nasa masikip na lugar ako at hindi makagalaw. Unti-unting nag a-adjust ang paningin ko sa liwanag hanggang sa makita ko na ang kabuoan ng paligid. Parang nasa loob ako ng gymnasium, may malaking kurtina sa dulo at sa gilid. Fatty! Fatty..! lumingon ako sa paligid pero wala naman akong nakikitang tao o anino man lang. Fatty.. inangat ko ang paningin ko sa taas at nakita ko si Vhinz na nasa loob ng malaking kahon na gawa sa salamin habang nakadungaw sa akin. Nanglalaki ang mga mata ko nang makita ko siya doon na mukhang nabugbog ng husto dahil sa mga sugat at pasa na nasa katawan niya. Naramdaman ko na lang ang luha ko na umaagos sa pisngi ko habang nakatingin lang sa kaniya. Sinubukan kong gumalaw nang mapag-tanto ko n

