PS: The next story is different from the first one. _____________________________ Nang makaraos kaming dalawa ay nahiga lang ako sa tabi niya. Nakatitig sa kisame, hinahabol ang hininga. Tumayo ako para magbihis gusto kong umuwe ng bahay namin sa Bulacan, may masasakyan pa naman ako kahit hatinggabi na. "Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko kanina, will you be my girlfriend Kyla?", seryoso at may sinseridad niyang tanong. Napatigil ako saglit sa pagsusuot ng aking pantalon. Pero pinili kong hindi na lang sagutin ang tanong na yon. Ang tanong na matagal kong hiniling na itanong niya sa akin pero ngayon ay mas ginugusto kong hindi na lang marinig. Napakagulo. Nanatili lang akong tahimik na nagbibihis sa harap niya. Palabas na sana ako ng pinto ng muli siyang magtanong. "Are you even cap

