“I will never like this place! Never!” Pagtitimpi ni Angel habang nakayuko ang mga tauhan ng kaniyang mga magulang sa pagbati sa kaniya. “Who the hell ang makakatira sa napakamalayong sibilisasyon na ito? I mean it was too far from the city! Lahat lahat!” Pagsasalita niya pa habang pumapasok ito sa mansion.
“Miss Angel ako po si Bea ang magiging personal niyo pong maid.” Bati sa kaniya ng matanda at agad naman siyang nilapitan ng dalaga.
Taas kilay niyang sabi, “how much does my parent is giving you?” Pangungusisa niya pa habang pinupulupot nito ang kaniyang kamay.
Agad namang tumabi si Ruther sa kaniya at pangiting sabi naman ng binata, “ang ibig sabihin ni Angel. Yung sahod niya po. Ganoon po siya ka maalahanin.” Sabay tingin ni Ruther sa kaniya kaya napatigil ang dalaga.
Pangiting tugon naman ng matanda sa kanilang dalawa. “Above average po.”
Tumango-tango naman si Ruther at hindi inalis ang pagkatitig kay Angel, “narinig mo po Miss Angel?” She just rolled her eyes. “Whatever.” At lumakad papalayo.
Sinundan siya ni Ruther at Bea papasok sa malaking mansion ng mga Lim at Carillo. “Ang laki naman ng lugar na ito!” Manghang saad ni Ruther pagkabukas nito ng malaking pinto.
Bulong naman ni Angel sa kaniyang sarili. “No wonder kung saan pumupunta ang mga yaman ni Mom at Dad.”
Hinawakan naman ni Bea sa braso si Angel. “Ihahatid kop o kayo Miss Angel sa iyong silid—“
Sa gulat ay agad na kinalas ni Angel ang braso nito sa pagkakahawak ni Bea. “—sa iyong silid.” Nahihiyang sabi ng matanda.
“Huwag mo nga akong gulatin.” Inis na sabi ni Angel.
“Maraming salamat po.” Biglang pahayag ni Ruther para mawala yung tension na nabubuo.
Yumuko ang matanda at nagpaalam sa kanilang dalawa. “Ihahanda po naming ang mga gamit niyo, aalis na po ako.” Binigyan naman siya nang sinyales kamay ni Angel para umalis.
Ng siya at si Ruther na lang ang naiwan sa hallway ay hindi na pigilan ng binata na pagsalitaan ang dalaga. “That is how rude you are?” Pag-iingles nito.
“Rude of what?” Diinang sabi ni Angel na nagkatinginan sila sa mga mata. “And the nerves of yours na titigan ako sa mga mata?” At isang pitik sa ilong ang ginawa niya kay Ruther.
“Miss Carillo!” Sigaw ni Ruther na agad naman siyang hinabol.
Agad na nagtungo si Angel sa palikuran ng kaniyang silid. Pagsasabi pa nito. “Porket ako ba ang nakakabatang Carillo, susundin ko ba lahat ng kanilang utos?!” Pagdadabog niya habang nanghihilamos ito gamit ang malamig na tubig.
Sa pagpatay nito ng faucet ay agad pa siyang nagsabi. “Palagi na lang si Kuya Christian ang pinagbibigyan ni Mom at Dad. How about me? In the first place ayaw ko dito!” At tinapon niya ang towel na kinusot niya sa kaniyang mukha.
“Sa akala mo ay may makukuha ka mula sa pagdadabog mon a iyan?” Napaisip siya sa mga salitang narinig nito.
Napalingon siya nang napaisip ito sa kung sinong boses ang pinaggalingan noon. Kaya hinawi niya ang tela mula sa shower area ng palikuran.
Tumambad sa kaniya ang naliligong lalaki na walang saplot. Kitang kita ni Agel ang napakagandang hubog katawan ng lalaking panay haplos sa bawat parti ng kaniyang katawan. Lalo na ang maumbk nitong pwet.
“Titigan mo lang ba ako diyan?” Inis na sabi ng lalaking nakatalikod sa kaniya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Angel sa kaniyang nakita sabay sigaw nito. “Sino ka?! Ano ang ginagawa mo?” Nataranta naman ang alaki at agad na humarap sa kaniya. “Hu-huwag kang lumapit!” Pautal na sabi ni Angel habang humahakbang ito patalikod. Lumapit naman ang lalaki sa kaniya at hindi maalis-alis ang tingin ni Angel sa pang-ibaba nito. “Huwag mong itutuloy ang iyong masamanag balak!” Dagdag pa ng dalaga.
“Ang ingay mo!” At hindi pa rin tumigil ang lalaki sa paglapit kay Angel.
Sa paghakbang g lalaking walang saplot at basang-basa ng tubig ay siya namang pagtigil ni Angel sa sulok ng palikuran. Inilapit ng lalaki ang kaniyang katawan kay Angel. “Ano ang masama kung naliligo ako dito?” Pangungusisa niya.
“Eh, si-silid ko i-ito.” Hindi pa rin nawala ang panginginig sa boses ni Angel.
Iilang pulgada ang pagitan ng kanilang mukha. Tingin sa tingin at hinga sa hinga. Napapikit mata si Angel ng tuluyang inilapit ng binata ang sarili sa dalaga. “Mag-ayos ka nga!” Diinang sabi ng binata noong insabot niya ang twalya.
Nakaramdam ng hiya si Angel sa pagkakataong iyon. Namumula ang mukha sa akalang hahalikan siya ng magandang lalaki na nasa harapan nito.
Inayos ng binata ang kaniyang sarili at lumabas sa naturang palikuran. “Hoy! Lalaki!—“
Tumigil sa paglalakad ang lalaki dahilan na mabangga si Angel sa likuran nito. “Hindi ka talaga titigil?”
“Bakit ako titigil?” Galit na sabi ni Nagel sa kaniya.
Agad na lumingon ang lalaki sa kaniya at hinalikan siya sa mga labi. Iyon ang unang halik ni Angel sa buhay niya. Matapos siyang nakawan ng halik ay isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa lalaki. “Sino ka para gawin sa isang Angel Carillo na nakawan mo ng halik!” Napatigil ang lalaki sa kaniyang narinig.
Kumunot ang noo sabay nagtanong. “Angel Carillo?’ Marahang saad niya.
Namewang naman si Angel na hindi na wawala ang galit at gulat. “Oo!” Tumalikod ang binata at umalis sa silid ng dalaga.
“Teka! Bumalik ka!” Pagsisigaw nito. Sa paghahabol ni Angel sa lalaking hindi nito kilala ay agad namang pinagsarhan siya ng pinto ng binata. “Buksan mo ito!” Sa malakas na pagbuksa ni Angel sa pinto ay napasalampak siya sa sahig. Agad namang inayos ni Angel ang sarili nito at tumayo. Sa paglabas niya sa pinto ay nawala bigla ang lalaking nagnakaw ng halik sa kaniya. “Nasaan na siya?” Sabay lingon-lingon nito.
Bigla namang bumungad ang matandang si Bea na may mga hawak sa kamay nito. “Ma’am Anel may hinahanap po ba kayo?”
Panay turo ni Angel sa luob ng kaniyang silid. “Di-dito lang siya kanina eh.” Pagbibigay niya ng impormasyon sa matandang kasambahay.
Nagtataka naman si Bea sa kaniya. “Ma’am sino po?”
Pagpupunto naman ni Angel. “May matipunong lalaki na nasa 5 7” ang taas, pogi po at---“
“Si Sir Martin Sandoval po?” Panghuhula ng matanda sa sinasabi ng amo nitong si Angel.
“Martin Sandoval?” At napaisip si Angel sa sinabi ng matanda. “Ah, siya pala iyon.” Pagbubulong niya pa.
Nag-aalalang sabi ng matanda sa kaniya. “Bakit po ma’am ano po ang nangyari?”
Umayos si Angel at hndi nagpahalata sa nangyrai. “Um, Bea ano po ang ginagawa ni Martin Sandoval dito sa mansion?’ Pangungusisa niya pa.
Pakamot ulong sabi ng atandang tauhan ng mga Lim. “Nauna po siya dito sa iyo ma’am. Ang pagkakaalam ko ay isa siya sa magiging sekretarya niyo po.” Pagpupunto niya pa.
Bakas sa mukha ni Angel ang biglang pagtaka. “Sekretarya?” At tumango naman ang matanda sa sinabi ng dalagang Carillo. Napabuntonghininga si angel at humarap sa kaniyang silid. “Kung ganoon po ay maraming salamat sa impormasyon.” Pumasok siya sa kaniyang silid at marahang sinara ang pinto.
Unti-unti siyang lumapit sa kaniyang higaan at malungkot na umupo. “So, nakaplano pala lahat nangmangyayaring ito?” At napaluha siya.
Mula sa kaniyang kinatatayuan ay sumilip si Martin sa babaeng ninakawan niya ng halik. “Siya pala yung sinasabi nilang nag-iisang anak na baba ng mga Lim at Carillo.” At inilipat ang pagtayo nito sa pagsandal sa pader. “Ano ba ang ginawa mo Martin at bakit mo ninakawan siya ng halik.” Pagalit niyang sabi sa kaniyang sarili habang dinuduro ang sarili. “Hindi ka talaga nag-iisip.” Inis niya pang dagdag.