Nang maaninag ng dalaga na papasok sina Ruther at ilang tauhan sa bahay ay dali-dali siyang pumasok sa kaniyang silid. Inayos ang kaniyang gamit at nagmaang-maangang tulog. Nagtago siya sa kumot at hindi gumalaw. Maya’t-maya ay dinig nito ang palakas na ingay ng mga yapak na papunta sa kaniyang silid. “Siguradong si Ruther na iyon.” Pagsasambit niya pa. “Sir Ruther, ayain niyo po si Ma’am Angel na kumain ng hapunan.” Saad ng manager sa binata. Yumuko at pangiting sabi ni Ruther sa kaniya habang ang kanang kamay nito ay nakahawak sa doorknob ng silid nila ni Angel. “Huwag kayong mag-aalala, masusunod po.” “He is still kind?” Pagbubulong pa ni Angel nang binuksan ni Ruther ang pinto ng silid. Nakikinig at hindi gumagalaw si Angel. Si Ruther naman ay marahang sinara ang pinto at unti-u

