Habang nagmamaneho si Ruther papunta sa site ay hindi siya magawang tingnan ni Angel. “Something bothers you?” Takang tanong ng binata sa kaniya. Agad namang nagtanggi si Angel. “I am fine.” Pero sa kaluoban nito ay ibang-iba sa kaniyang sinasabi. Sa pagtingin ni Ruther sa rear mirror ay may nakabuntot na dalawang sasakyan ng mga tauhan ni Angel. “Ruther?” Tawag pansin ng dalaga sa kaniya. “Yes?” Tugon nito. Pahuyang sabi naman ni Angel na hindi makatingin kay Ruther. “Huwag mong ipaalam sa iba ang nangyari sa atin.” Napatawa naman si Ruther sa sinabing iyon ni Angel habang siya ay nagmamaneho. “Come to think of it.” Binaling ng dalaga ang mukha nito kay Ruther na nagsasalita. “I will not share those intimate scene na kasama kita. I mean I will not tell anyone.” Bahagya silang huminto

