(Angel’s POV)
Sinundan ako ng isang sasakyan ng aking mga tauhan. Sa bilis kong iyon ay agad na kaming nakarating sa opisina ni Kuya Christian. Iniwan ko ang sasakyan na siya namang pagsunod ni Ruther sa akin. Sa laki ng building na pinagmamay-arian ng aking Kuya ay malulula ka at mawawala sa dami ng silid na iyon. “Good day Miss Carillo,” bati ng mga taong nadadaraanan namin.
Pagkatapat ko sa silid kung saan si Kuya nagtrabaho ay napahawak ako sa doorknob. “Hindi na ako magpapatalo sa iyo Kuya!” Buong lakas ko iyong binuksan. Bahala na at hinding-hindi ako papayag na mapunta sa rural area na iyon. “Kuya!” pagsisigaw ko.
Napatigil ako noong pinagtitinginan ako ng mga bisita ni Kuya. Ang mukha nilang gulat na gulat sa pagmumukha ko. “What brings you here?” takang tanong ni Kuya habang lumalakad ito papalapit sa akin.
Nakaramdam naman ako nang hiya dahil alam kong business meeting iyon. “Kuya may sasabihin ako,” bulong ko sa kaniya.”
Agad siyang sumumbat sa akin, “kung ano man iyan. Tuloy pa rin bukas ang pag-alis mo!”
I can’t make a scene this time mapapahiya lang ang parents ko. “Mabuti na lang at may bisita ka! Kung hindi!” inis kong bulong.
“Wait, I need to talk with my sister. Please excuse us.” Tumango naman ang ka-meeting nito at hinila niya ako papalabas sa kaniyang opisina. “Nag-iisip k aba?” pangaral niya na naman sa akin.
I want to explain myself to him. “kuya naman, kung ikaw bas a posisyon ko. Ano ang gagawin mo?”
“I will just follow the orders.” Kasalungat yung gusto kong marinig sa kaniya. “Kasama mo pa ang kapatid ni Grae?” Nabaling ang atensyon nito sa kasama ko.
“Huwag mo namang ibahin ang usapan Kuya. Tell Mom and Dad ara sa akin,” pagmamakaawa ko sa kaniya.
He shook his head na nakapikit ang mga mata nito. “Never.” Nainis naman ako sa sinabi niya.
Inapakan ko naman ang mamahalin niyang sapatos. “Kainis ka naman!”
Sa inis ko ay umalis na ako sa lugar na iyon at nagkulong sa aking kotse. “Hindi po tayo aalis Ma’am?” takang tanong sa akin ni Ruther.
Napasandal na lang ako sa upuan and I tried to imagine ang mangyayari sa akin away sa kinalakihan ko. Hindi ito pwedeng mangyari sa akin! Hindi!
“Yung ano po ma’am?” tanong ulit ni Ruther.
I twist my shoulder para makita ko ang mukha niya. “Sasama ka sa akin,” daretsahang sabi ko. “Para malaman mo kung anong buhay ang naghihintay sa ating dalawa,” pananakot ko sa kaniya.
-_-_-_-
Hindi alam ni Ruther kung ano ang ibig sabihin ni Angel sa mga salitang binitiwan nito. Ganoon pa man ay nakasunod lang siya sa dalaga lalo na ang mga desisyon nito.
Kinaumagahan ay bumalik si Ruther sa opisina ni Angel. Ikinagulat nito nang makita niyang nakaligpit ang lahat ng gamit ng dalaga. Maya’t maya naman ay dumating si Angel na ayos na ayos. “Aalis na tayo,” sambit ng dalaga.
“Saan naman po tayo pupunta?” takang tanong nito.
“Lilipat tayo,” tanging saad ni Angel. Ibinigay ni Angel ang malaking kahon sa kaniya. “Sumama ka sa akin,” sabi pa nito na agad niya namang sinunod. Pagkalabas niya ay may isang malaking truck na naghihintay. “Ipasok m ang kahon doon sa likuran,” utos pa ni Angel sa kaniya.
Pakamot ulong tanong nito sa kaniyang sarili. “Bakit maraming kagamitan dito?”
“Ruther! Hali ka na!” Sigaw ni Angel.
Bumaling naman ang atensyon nito sa dalaga at agad siyang lumapit. “Anak mag-iingat kayo doon ok?” Dinig ni Ruther ang boses ng Mom ni Angel.
“Magpapakabait ka doon,” dagdag pa ng Dad nito.
Tamang-tama naman na nakita siya ng mga magulang ni Angel. “Iingatan mo ang anak ko ok?”
Payukong tugon naman ng binata, “pangako po.”
Sumampa na sila sa malaking truck na iyon. Sumama narin ang ilang tauhan ni Jane sa pamamagitan ng iilang sasakyan na bumubuntot sa malaking truck.
Nakaupo si Ruther sa gilid ni Angel habang ang dalaga naman ay panay isip at pag-aalala sa bago nitong pamumuhay. “Dapat hindina ako pumayag,” pagyayamot niya pa nadinig ni Ruther.
“Anak ka lang na dapat sumunod sa sinasabi ng mga magulang,” sumbat ng kaniyang Sekretarya.
“I have my free will. Hindi porket anak lang ako hindi na dapat nila alamin kung ano ba ang nararamdaman ko,” pagsasalita nang naiinis nasi Angel.
“Malalaman mo iyon kung magiging ina kana. Ang gusto lang naman nila kung ano ang makakabuti saiyo.” Napalagay ang luob ni Angel sa mga sinabing iyon ni Ruther. “Kasi minsan nauunahan tayo nang pagkainis o di kaya ay hindi natin gustong alamin kung ano ba ang mga bagay-bagay,” pangaral pa ng binata sa kaniya.
“Learn to listen, follow and the rest will be fine. Hindi ka ipapahamak ng iyong mga magulang.” Sabay ngiti ni Ruther sa kaniya.
(Angel’s POV)
He was to different sa kuya niyang si Grae. He is cool and matured mag-isip. “Saan mo hinuhugot ang mga salitang iyan?” mangha ko pang sabi.
“Mga lines iyan sa nabasa kong libro,” nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Bahagya kong ginalaw ang aking mga kamay at inilagay sa kanang pisngi ko. “Anong libro?” pangungusisa ko pa.
Inilabas niya mula sa bag nito ang isang libro. “Wrong Send yung title ang manunulat si Marian Jeong.” Pagkabigay niya sa akin ay panay titig ko rito.
Itinago ko naman yung ibinigay niyang libro sa akin. “Akin na lang ito.” Sabay ngiti ko pa.
“Ikaw ha! Patanong-tanong ka pa pero kukunin mo naman,” inis na sabi nito sa akin.
Sa luob ng dalawang oras na biyahe ay nagawa kong basahin ang ilang pahina sa naturang libro. At sa pagkakataon ring iyon ay nakarating kami sa lugar na ayaw kong puntahan.
Huminto ang sasakyan at lumabas ako. “Magandang araw Ms. Angel Carillo,” bati ng mga tao sa akin.
Tumingin ako sa aking paligid. Ibang-iba ang lahat sa kinalakihan ko. “I can’t live here,” bulong ko sa aking sarili.