Habang nag-uusap ang pamilyang Carillo hinabol naman ni Ruther and Kuya nitong si Grae hanggang sa labas ng malaking building na pinagmamay-arian ni Angel.
“Kuya!” sigaw nito.
Agad namang tumalikod ang nakakatandang kapatid nito. “Bakit hindi mo pinaalam sa akin o sa ating pamilya na maga-apply ka bilang secretary ni Angel?”
Ginalaw-galaw naman ni Ruther ang ulo nito habang iniiba ang kanilang pag-uusap. “Hindi ko akalaing makikita ko nang malapitan ang napakagandang si Miss Angel Lim Carillo,” magiliw pa na sabi nito.
Hinatak naman ni Grae ang damit ng kapatid nito. Saad niya pa, “sa akin lang si Angel, naiintindihan mo ba?”
Hindi naman magawang makasagot ni Ruther sa takot na pagkakatitig ng kaniyang Kuya sa kaniya. “Magkapatid tayo,” pagpapaalala ni Ruther kay Grae.
Tumango naman ito sabay sabing, “oo at dapat mo iyong isipin din. Kung ano kay Kuya huwag mo nang kunin.” Itinulak niya ang kaniyang kapatid dahilan na masalampak ito sa daan.
Napalitan naman nang galit ang kanina ay masigla niyang pagmumukha. “Lahat na lang sa’yo. Sa pagkakataong ito ay hinding-hindi ako magpapaubaya,” bulong niya sa kaniyang sarili. Tumayo ito at inayos ang kaniyang suot na suit.
Simula sa araw na iyon ay hindi na nagawang pigilan ni Ruther ang sarili nito na pantasyahan ang nag-iisang anak na babae ng mga Carillo.
(Angel’s POV)
“Tama ba ang naririnig ko?” saad ko na may halong inis.
Hindi ko napigilang tumayo at lumakad papalayo kina Mom, Dad at Kuya Christian. She said in a fierce voice, “that is the easiest thing that we can do.”
Napayuko na lang ako at agad namang lumapit si Dad sa akin. “Angel, sundin mo na lang yung gusto ng Mom mo,” dagdag na sabi pa ni Dad.
Napatingin naman ako sa mukha niya at nag-makaawa, “Kuya, you need to do something!”
Pero hindi man lang ako pinansin ng aking kapatid. “Hands-off ako pagdating kay Mom,” tanging sabi niya.
Nilapitan naman ako ni Mom at marahan siyang nagsalita. “Medyo malayo nga yung lugar but that place is so good. You can manage everything na pinag-mamay-arian natin.” At kitang-kita ko ang ngiti sa kaniyang mukha.
“Lumaki ako sa marangyang syudad na ito.” Humugot ako ng lakas makapagsabi lang sa aking nararamdaman. “Then what? Itatapon niyo ako sa isang liblib na lugar? Malayo sa City?”
“Your brother will be the one to manage everything dito sa City. Habang ikaw, yung property natin sa rural area yun ang asikasuhin mo.” Those ideas from Mom is totally insane. Iilan lang ang tao doon or should I say marami rin but the place is so poor.
“Sasamahan ka ng mga taong gusto mo.” Kahit papaano ay nakaramdam ako ng saya marinig yung sinabi ni Dad.
Napatingin ako kay Kuya. “Not me,” pagtatanggi nito.
Pangiweng labi na sabi ko naman, “Dad, si Kuya oh!” Sabay dabog ko pa.
Hinawi naman ni Mom ang buhok ko at tumingin sa aking mga mata. “Sisiguraduhin ni Mommy na magiging maayos ka doon.” Napatango naman ako kay Mom.
Parang bumagsak naman ang aking mga balikat. “Fine, kapag utos ni Jane Ha Lim-Carillo sino baa ng tatanggi diba?” Pagkadinig ni Mom mula sa akin ay agad niya akong niyakap.
“Magaling lang talaga si Mommy pagdating sa pagsusuyo,” magiliw niyang sabi na napatawa kami.
Niyakap kami ni Dad sabay sabi nito, “Dad will miss her princess.”
My heart melts at this moment. I have a perfect family pwera lang sa masungit kong Kuya.
Tinititigan ko naman ang nakatayo kong Kuya sa sulok. “Kung hindi lang kay Mom at Dad,” bulong ko na dinig niya.
“We will send you there tomorrow.” Nagulat ako sa sinabi ni Mom.
I pushed myself back. “Te-Teka bukas a-agad?” pautal na sabi ko sa gulat.
Tumango silang tatlo at nagsabing, “yes!”
Nakaramdam ako nang panghihinayang sa aking naging decision. I really did not think na bukas na iyon. I am not emotionally and physically prepared!
Lumayo si Mom at kinuha ang bag nito sa sofa. “Paano ba iyan, aalis na kami?” pagpapaalam pa niya.
Ngumiti naman si Dad. “Kay dali mong kausap Angel!”
Ginulo naman n Kuya ang buhok ko sabay inis na sabi sa akin, “good decision my little sister!”
“Iligpit mo lahat ng gamit na meron ka. I already gave the que sa mga tauhan ko.” Nakikinig lang ako kay Mom at parang nanigas naman ako sa aking kinatatayuan.
“Hindi niyo man lang ako na briefing?” lungkot na sabi ko habang kitang-kita ko naman ang pag-alis nila.
“No need,” sabi ni Mom at agad silang umalis. Tuluyan silang nawala sa aking paningin. Habang ako naman ay dinadamdam yung decision na aking ginawa. Hindi ka talaga nag-iisip Angel! Bakit kay dali mong mag-decide?
Umupo ako at napaisip. Mukhang mali naman yung move na ginawa ko. Napahawak ako sa aking magkabilang pisngi. Hindi na talaga maganda ang mangyayari sa akin doon.
“Ruther!” tawag pansin ko sab ago kong sekretarya.
Hindi siya nagdalawang isip na pumasok at nagtanong sa akin, “may ipapagawa po kayo?”
Inangat ko ang aking mukha. “ihanda moa ng aking kotse pupuntahan natin ang office ng aking Kuya.” Nagulat siya sa sinabi ko.
“Sa office ni Chairman Christian Carillo?” takang saad niya.
Tumango ako at hinagis ang susi ng aking kotse. “Oo, kaya humanda ka.” Yumuko aiya at agad na umalis.
Kinuha ko ang aking gamit at bag tumingin sa orasan at uminom ng tubig. I need to talk my brother again. Sa daming lugar bakit doon pa? And how I can let go sa marangyang buhay na meron ako dito?
Dali-dali akong lumakad at pumunta sa parking area. Naghihintay naman si Ruther sa luob ng kotse. “Marunong ka magdrive?” tanong ko sa kaniya pagka-upo ko. Nasa driver seat ito at nanginginig naman ang kamay. “Ayos ka lang?”
“Ma’am naman yung Kuya mo ang pupuntahan natin,” saad niya.
Panay kurap ko sa aking mg mata habang halata na hindi siya napapalagay. “Huwag mong sasabihin na natatakot ka sa kaniya?”
Marahan siyang nagtango, “kunti lang po.”
Lahat na lang ng tao natatakot sa masungit kong Kuya. “Magpalitan tayo, ako na ang mag-drive.” Ikinagulat ko noong lumabas siya na walang pagdadalawang isip.
Binuksan niya ang pinto na aga akong lumabas. Yumuko siya sabay sabing, “masusunod po.”
Pagkaupo ko sa driver’s seat ay agad kong pina-andar ang sasakyan. In full speed ay hinarurot ko ang pagmamaneho papunta sa office ng aking pinakamamahal na kapatid.