Binuksan ni Angel ang pinto sabay ng pagtapos ng kaniyang pag-uusap sa kaniyang Mom. Nakapinta naman sa kaniyang mukha na may pagtatanong sa kung sino ba ang taong kumatok. Unti-unti niyang binuksan ang naturang pinto ng kaniyang silid. Kinakabahan man ay marahan niyang tiningnan mula sa paa hanggang sa ulo ng taong kumatok sa pinto. “Sebastian.” Bati nito. “What do you need?” Dagdag pa ng dalaga. Naghihintay siya sa sagot ng binata habang nakatayo ito na nakaharap. Ngumiti si Sebastian sa kaniya sabay sabing, “the food is ready.” Halata sa boses ng binata na giliw na giliw ito. Tumango si Angel sa kaniya. “Ok, I will be there in just a few minutes.” Pagsasabi ng dalaga sa lalaking may gusto sa kaniya. Napatitig na lang si Angel kay Sebastian na may napansin ito. “Sa tingin ko ay may i

