Iniwas agad ni Angel ang atensyon nito sa binatang Korean lalo na ang kamay nito. Hanggang sa nakarating na sila sa mansion. Nakatayo naman ang dalawang sekretaryang at iilang tauhan ni Angel na naghihintay sa kanilang pagdating. Sa pagtigil ng sasakyan ni Angel ay nasipaglabasan ang mga tauhan ni Angel na kasama nito mula sa Flower Farm. Agad namang lumabas si Daniel ay pinagbuksan siya ng pinto. Nagkatitigan naman sina Sebastian at Martin na may pagtataka sa kanilang paningin. Sa kung sino ang lalaking kasama ni Angel na kanilang boss. Pagkalabas ni Angel ay ipinakilala niya ang kasama nitong lalaki habang pinapasok ng mga tauhan nito ang mga bagahing meron siya. “He is Daniel Kim my fourth secretary.” Yumuko naman si Martin at Sebastian sa pagsasalitang iyon ni Angel sa kanila. “Maga

