Chronicles ng Babaeng Torpe
Text Log #8
The day I found out Ivo is a Player for College of Science.
7:31pm
Chyanne: Guess what
Ela: Ano
Chyanne: Wait nakauwi ka na ba?
Ela: Yup medyo kanina pa
Ela: Ano nga yun
Chyanne: Si Ivo...
Ela: Oh ano?
Chyanne: Di ba sabi ko sayo kanina bball player siya ng Science
Ela: oo nga
Ela: oh tapos
Chyanne: Guess what
Ela: ano
Ela: bilisan ang laking pabitin kainis
Chyanne: The surprises doesn't end there
Ela: why? Anyare??
Chyanne: May friend kasi ako from Psych tapos naging blockmate niya si Ivo dati
Chyanne: Tapos nakita ko siya kanina sa gym
Chyanne: Eh last sem tinanong niya ko kung kilala ko daw ba si Ivo Campa sabi ko oo tas sabi ko blockmate ko siya sa hist class
Chyanne: Tas "crush" niya yata
Ela: oh tapos
Ela: ang tagal bilisan mo naman
Chyanne: KUMALMA KA
Chyanne: PANIC MODE NA NGA AKO DITO EH TAS GAGANYAN KA
Chyanne: So ayun na nga...
Ela: hahaha sorry na bilisan mo na kasi dami satsat
Chyanne: So nakita ko yung friend ko na yun kanina. Chinat ko. Sabi ko "sino sinisilayan mo"
Chyanne: Tas sabi niya "wala naman hahahaha" ganon nanood lang daw siya sabi ko "sure ka ha? Hahaha"
Chyanne: "Oo nga" sabi niya ano daw nangyari sa laro ni Macaspag at ni Ivo Campa tas puro hahaha
Chyanne: Sabi ko "oo nga wala silang laro nakabangko lang" tas sabi niya "ang walang kwenta ng paglalaro nila kanina kainis"
Chyanne: Sabi ko "bakit?" Tas sabi niya...
Ela: ano
Ela: pasuspense pa puneta bilissssssss
Ela: !!!
Chyanne: Sabi niya
Chyanne: "Sila kasi captain at co captain eh"
Chyanne:
Chyanne: Fml.
Chyanne: Fml talaga
Chyanne: Pwede bang paki patay na lang ako
Chyanne: Pwede bang ireformat niyo yung utak ko at paki delete lahat ng memories ni Ivo?
Ela: Sht sht shitttt
Ela: Co captain siya????
Chyanne: Sige hampas mo pa sa mukha ko
Chyanne:
Ela: Hahahaha omg!!!
Chyanne: Omg talaga
Chyanne:
Chyanne: Hay
Chyanne: Ano nang gagawin ko? :(
Chyanne: