Chronicles ng Babaeng Torpe
Chapter 14
Apparently, tao lang din ako.
Tao lang din ako na hindi naman maganda. Hindi rin naman seksi. Average lang ang talino. Not the type na one in a million.
Eh si Ivo... six-footer, gwapo, mayaman, matalino. I don't think na magiging good match kami. He's just too much for me...
...lalo na ngayong nalaman kong basketball player siya.
Alam ko namang panlaban talaga ang mukha niya, pero ngayon, na-realize ko na parang hindi lang siya para sa'kin. What I mean is I am unconsciously sharing him with everybody else. Gusto ko kasi kapag may crush ako, ako lang may crush sa kaniya.
Malamang ang daming babaeng nakakakita sa kaniya. Syempre, super pogi points kapag basketbolista ang lalaki. For sure, hindi lang ako ang may gusto sa kaniya.
Deadma.
Lilipas lang din naman 'tong pagkagusto ko sa kaniya eh. Sulitin ko na lang habang nandito pa sa'kin 'yung feeling.
Nag-champion nga ang Bio sa Science week basketball at kitang-kita ang mga ngiti nilang tagumpay sa mga pictures sa f*******:. Naghanap ako ng iba pang picture pero walang picture ang Chem.
Kaya naman nagpunta pa ko sa isang official page ng Chemistry.
Hanap. Hanap. Hanap.
Wala pa ding picture si Ivo.
Anak ng tupa talaga.
Ano, wala na ba talagang lilitaw na mukha niya sa kahit na saan? Sa school na lang ba talaga ako makakasilay?
To make the situation worse, nakakita ako ng listahan ng players nila na naka-edit sa isang magandang poster.
Ivo Campa 4CHEM
Nfadjnakjncoaenganafdjaiwannadie!
Tangina.
FOURTH YEAR NA SIYA.
Gago na.
Ano, hindi ko na talaga siya makikita ever? Wala manlang ba kong mapanghahawakan na picture niya? Like s**t naman oh. Hindi manlang ako makakapaglagay ng remembrance ng mukha niya sa diary ko? Aba, matindi.
Paano ko na lang siya aalalahanin sa mga malulungkot kong gabi? Paano kung tumanda na ko tapos gusto kong maalala lahat nang nagdaang lalaki sa buhay ko tas wala siyang picture?
Iniisip ko palang naiiyak na ko.
(Pero baka kasi naman kami lang din ang magkatuluyan sa dulo at hindi ko na kailangan ng picture niya kung araw-araw ko lang din naman siyang makikita )
Pero s**t talaga. Last sem na niya dito sa school ano na?!
Hindi ganoon kadali mag-move on sa crush 'no?! Mahirap maghanap ng kapalit!
"San ka pupunta?" tanong ni Krissy, seatmate ko sa English subject kung saan kasama ko din si Mage; mutual friend namin ni Ate Minnie.
"Tapos na class ko eh. Ikaw, ba't ka lalabas? 'Di ba may next class ka pa?"
"Mag-ditch ako. Baka may recitation sa Philosophy eh."
"Ah," sagot ko habang lumalabas kami ng classroom ng 203. Ine-expect ko na isang araw, paglabas ko makakaharap ko na naman si Ivo dito sa labas na ito pero wala eh, wala naman siya palagi.
"Kain tayo?" tanong ko sa kaniya.
"Tara, tara," sagot niya nang nakangiti. Hindi pumasok si Mage ngayon kaya wala akong maiiwanan na magaling na bata. "Ice cream tayo."
"Naligayahan sa ice cream ng Family Mart," pagtawa ko. Doon ko kasi siya dinala noong nakaraan.
"Gusto kong matuto kung paano maglagay ng ice cream eh."
So pumunta nga kami ng Family Mart. Medyo nanlulumo pa din ako sa kung anong nalaman ko noong nakaraang gabi. Hanggang kailan ko ba dadalhin 'tong pagkagusto ko sa kaniya. Parang gusto ko na lang i-delete sa history ng buhay ko.
Bakit ba ang hirap, Ivo?
Isang linggo palang yata ang lumilipas simula nang malaman kong player siya ng Science...
"Tara balik tayo ng building," sabi niya sa'kin matapos kaming makabili.
"Bakit?"
"Three pasok ng crush ko eh. Gusto ko siyang makita."
"Maharot ka," sagot ko. Todo support naman ako sa kaniya at bumalik nga kami ng building. Tahimik na ang mga hallways pagdating namin. "Wala na."
"Teka lang, wait tayo hanggang three. Doon tayo sa may C.R. umupo para kapag nagbanyo siya makita natin."
Natawa naman ako sa dahilan niya. "Ikaw bahala," sagot ko na lang dahil baka mamaya dumaan din si Ivo... you know... makasilay din ako.
Lumipas ang ilang minuto at wala namang lumalabas sa mga classroom dahil nagsimula na ang mga klase.
"Uy, tara na. Ang init," reklamo ko nang wala na kong magawa sa phone ko.
"Sige na nga. Tara na. San ka pupunta? Uwi ka na?"
"Puntahan ko pa friend ko sa North eh. Nagyayayang kumain pero mamaya pa 'yun."
"Eh san ka na?"
"May game ngayon eh. Opening ng Intercollegiate Games ngayon, 'di ba? Baka engineering naglalaro, hanap tayo ng gwapo."
Natawa siya. "Sige."
Pumunta kami ng North Gym at umakyat sa second floor sa mini stadium namin dito sa school. Habang naglalakad, heto na naman ako at kinutuban. May bumulong na naman sa isip ko na baka nandoon si Ivo sa North Gym.
Kaunti lang ang nanonood at karamihan ay mga nasa baba.
Pinaglalaruan lang siguro ako ng tadhana o ano, pero Science ang naglalaro at Engineering. Lapit lang ang mga score pero mahaba pa naman ang oras sa huling quarter.
Lumikot ang mata ko.
At iyon na nga.
Nakasuot ng blue at white na jersey.
Sa court.
Si Ivo.
Number 24.
Teka, birthday ko iyon ah? At mas lalong number ko din 'yun.
OMG, could it be...?!
Meant to be kami?!
Charot.
Ayoko mag-isip ng ganiyan lalo na ngayon.
Nadagdagan na naman ang alam ko tungkol kay Ivo. Hindi pala sapat na gwapo, mayaman, matangkad, at basketball player siya ng Chem. Kailangan pala basketball player din siya ng buong College of Science.
Sige lang, Chyanne. Umasa ka pa na mapapansin ka niya sa ilang daang babaeng nakakakita sa kaniya hindi lang sa college niyo kundi sa ibang college pa ng ibang unibersidad. Sige lang talaga.
Sige lang paka-tanga ka pa.
"s**t," sabi ko na lang.
"Bakit?"
"'Yung crush ko."
"Asan?!"
"Nandiyan sa court."
"Sino diyan?"
"Basta."
"Hala ang daya sabihin mo kung sino 'yung iyo!"
"Kakilala kasi ni Ate Minnie 'yun. Eh hindi niya alam na crush ko 'yun or baka nakalimutan na niya."
"Ah, okay. Sige."
Pero hindi ko din natiis. Wala pang dalawang minuto ang lumilipas, sinabi ko na din. "Ayan si twenty-four."
"Ay weh?! Patingin nga."
Napatingin lang din ako sa likudan ni Ivo. Mukhang nag-scout siya ng lugar—naghahanap siguro ng maganda. Psh. Medyo napatingin siya sa likod niya, sa amin pero ewan ko kung nakita niya ba kami.
"In fairness ah," sabi ni Krissy.
"Hmm."
Ano na, Ivo? Tatanga na lang ba talaga ako sa'yo dito? Wala naman siyang laro ngayon.
Wala yatang inspirasyon.
Baba kaya ako do'n?
Haha. Char.
Hirap magpakasaya kung nahihirapan ka na. (Charing ang drama ko.)
Hay nako... sorry na pahaba na nang pahaba mga kwento ko. Don't worry. Iigsi ulit 'yan lahat.
These are the reasons why I can't be with Ivo:
1. He's a Chemistry Basketball Team player.
2. He's a College of Science Basketball Team player.
• Bakit hindi pwede?
Dahil isang normal na estudyante lang ako at hindi niya ka-level.
At hindi diyan nagtatapos ang listahan...