Chapter 1

1070 Words
Napabalikwas ng bangon si Jeric dahil sa panaginip na iyon. Pawisan siyang humahangos na parang totoong totoo ang kanyang panaginip. Kahit kay lakas naman ng kanyang aircon sa loob ng kanyang kwarto. Nasa isang condo siya nakatira. Tuluyan na siyang napabangon at lumabas ng kanyang kwarto. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig at uminom. Gusto niyag mahismasmasan. At napapaisip siya kung anong klaseng panaginip ang nangyari at parang totoong totoo. Ilang gabi na niyang napanaginipan ang nangyari sa kanyang nakaraan sa tatlong taon na nakalipas. Kung paano pinagtangkaan ang kanyang buhay at ang panaginip na hinahabol siya ng mga hindi kilalang tao ay totoo itong nangyari sa kanya. Nong makarating siya sa pangpang ng dagat ilang metro ang layo ay hindi siya nagdalawang isip na tumalon para hindi siya mahabol ng mga taong hindi niya kilala na nakasunod sa kanya. At ramdam niya ang sakit ng pagtama ng isang malaking bato sa kanyang ulo nong tumama na ang kanyang katawan sa tubig. Nawala na siya ng ulirat at hindi na namalayan ang lahat. Kwenento nalang nina Manang Celeste at Mang Lando ang lahat na may isang matandang ayta ang tumulong sa kanya nong matagpuan nito ang katawan niya sa baybay dagat. Sina manang Celeste at mang Lando na ang mga ito na ang tumatayong pangalawang magulang niya simula pagkabata at nong mamatay sa aksidente ang kanyang mama at papa sa edad niyang 21. Ngayon ay 31 na siya. Na coma daw siya sa loob ng tatlong taon ayun sa mga ito. Nang mabalitaan ng mga ito na may nagtangka sa buhay niya at ilang araw na siyang nawawala ay pinahanap kaagad ng mga ito ang kanyang katawan. Umabot ng halos isang linggo nilang pinahanap ang katawan ni Jeric hanggang sa matagpuan siya ng mga ito sa isang isla. Ligtas ngunit walang malay na binata. Nasa coma. Nakaratay sa isang higaang papag na kawayan ang walang malay na binata sa isang munting kubo at maraming galos sa katawan at may benda sa ulo. Isang matandang ayta ang nakasagip sa kanya. Kaya malaking pasasalamat nina Manang Celeste at Mang Lando ang pagkakaligtas nito sa kanya. Meron din siyang tama ng baril sa may kaliwang balikat. Milagrong nakaligtas siya sa panganib dahil marami na daw ang nasawi sa lugar na iyon. At ang mga taong humahabol sa kanya. Sino ang mga ito? Kaya nong natagpuan nila ang binata ay dinala nila ito sa isang malayong isla. Kung saan doon din lumaki si Manang Celeste. Ang isla Samal sa Davao Region. Kahit walang malay ay tinago nila ito. At nabuhayan sila ng loob dahil buhay pa ang binata kahit na nacoma. Pagkalipas ng tatlong taon. Pagkabalik niya sa kompanya ng kanyang papa kung saan siya na ang namamahala ngayon ay agad niyang ipinaimbistigahan ang nangyari sa kanya at ngayon may suspetsya na siya pati ang pagkamatay pala ng kanyang mga magulang ay hindi aksidente kundi sinadya at ang tao sa likod ng insedenteng yun at sa muntikan na niyang pagkamatay ay iisa. Kaya lintik lang ang walang ganti at mananagot ang taong maysala non. Naikuyom niya ang kanyang kamao sa isiping yun. Sa iisang taong may sala ang lahat. Masusurprisa nalang ito balang araw at mabibigyan na ng katarungan ang lahat. At ang isa niyang panaginip..... Sino ang babaeng kanyang napanaginipan? Sa halos isang buwan mula nong bumalik siya sa kasalukuyan ay ngayon lang siya nakapanaginip ng isang babae. Impossible namang si Cassandra ang babae dahil kahit hindi niya maaninag ang mukha nito mahaba naman at maalon alon ang buhok ng babae sa panaginip. Samantalang si Cassandra ay laging maigsi ang buhok. Si Cassandra ang dati niyang kasintahan, bago ang insidenteng nangyari sa kanya ay engage na sila nito. Pero sa pagbalik niya ay nagpakasal na ito kay Grant. Ang pinsan niyang hilaw. Dahil ampon lang ng lolo niya ang tito Bernardo niya. May isa ng anak ang mga ito, si Gareth, 2 years old na ito. Nang magpakasal ang dating kasintahan ay wala siyang maramdamang sakit o hinanakit dito. Ewan niya kung bakit?! Dahil mahal na mahal niya ito dati. Pero ngayon wala na. At naintindihan niya ito kung bakit ito nagpakasal dahil siguro nawala siya ng tatlong taon at sa pag aakalang namatay na siya. At ang payo ng mga pangalawang magulang ay ilihim muna ang lahat sa ngayon dahil hindi pa nila alam kung sino at ano ang puno’t dulo ng mga nagaganap sa kanilang pamilya sa ngayon. Ang sabi nina Manang Celeste at Mang Lando ay na coma siya ng tatlong taon. Ngunit bakit napanaginipan niya ang babaeng yun? Malaking palaisipan sa kanya ito. Sini kaya ang babaeng iyun sa kanyang panaginip? Pero hindi niya nalang ininda sapagkat mas mahalaga sa kanya ang sa ngayon, ang taong haharapin niya na trumaydor sa kanya at sa pamilya niya. Dahil sa kayamanan nila na gustong kunin ng mga ito. Kaya hindi na siya bumalik sa pagtulog. Alas4 na ng umaga at tumayo siya mula sa kinauupoan at pumunta siya sa kwarto at gumayak upang maligo. Maaga siyang papasok sa kompanya ngayon. NAKAPAGBIHIS na si Jeric ng mag ring ang kanyang cellphone. “Hello”, pagkadampot niya sa may bedside table. “Mr. Alcantara, double confirm. Siya nga ang may pakana ng lahat. At andito sakin ang lahat ng ebidensiya.” Anang nasa kabilang linya. “Alright Roger, salamat sa impormasyon. Email it to me as soon as possible.” Pagkasabi ay ini-off na niya ang cellphone. This is gonna be the end of your happiest day! Sabi sa isip habang inihahanda na niya ang kanyang sarili na haharapin ang taong may pakana ng lahat. At masusurpresa ito sa kanyang gagawin. Dahil may ebidensya na siya sa lahat ng kasakakiman at ganid sa kayamanan ng mga Alcantara ang taong may kagagawan ng lahat ng ito. Dinampot niya ulit ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang driver na si Jon na ang totoong pangalan ay Jonathan. “Hello, Jon”, aniya pagkasagot nito. “Hello sir Jeric”, sagot agad nito. “Nasaan ka na?” “Andito na po ako sir. Kakarating lang po”, anito sa kabilang linya. “Okay. I’ll going down now.” “Okay po.” Pagkababa sa phone ay dumiritso na siya sa groundfloor kung saan hinihintay na siya ni Jon. Ang bata niyang driver na anak nina manang Celeste at mang Lando. Mas matanda siya nito ng walong taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD