Prologue
Labis ang kaligayahang kanyang nadama nang mapasakanya ang babaeng unang kita palang niya ay kanya ng hinangad na mapasakanya habang buhay. Ngunit ang ipinagtataka niya ay hindi niya maaninag ang kabuuang hitsura nito. Basta niya lang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na lumulukob sa buo niyang pagkatao ngayon. Tanging lasap ng isang pag ibig ang unang naganap nila sa unang gabi ng matapos ang kanilang pag iisang dibdib lang ang kanyang nadama....
Teka???....
Kasal???
Ikinasal siya???
Hindi niya mawari at tila parang nahulog siya sa isang pagtataka kung bakit may ganitong klaseng pangyayari ang nagaganap sa buhay niya ngayon.
Pero hindi niya ininda iyon at ipanagpatuloy niyang haplusin ang mukha nito at ipinapadama niya kung gaano ka importante at gaano niya kamahal ang babaeng nasa tabi niya ngayon.
Maalon alon ang mahaba nitong buhok dahil dinadama niya ang buong katawan nito ngayon. Labis na pagmamahal lang ang kanyang nararamdaman ngayon habang yakap niya ito.
“Mahal na mahal kita”, bigkas niya habang hinahalikan ito sa noo.
At ganun din ang babaeng tila kay amo ng mukha pero hindi niya maaninag ang hitsura at tanging kaanyuan lang ang naaninag niya sa madilim na lugar na iyon.
Maaring nasa kama sila at nasa loob ng kwartong kanilang kinaroroonan ngayon. Kung saan ginaganap nila ang ginagawa ng bagong kasal. Inaangkin nila ang isa’t isa. Nararamdaman niya ang labis na pagmamahal sa isang babaeng kasama niya ngayon at ganun din ito sa kanya.
“Akin ka lang.” Bigkas niya habang nakatitig dito. Bagamat madilim ang lugar na kinaroroonan nila’y nababanaag niya ang kagandahan ng mga mata nito maging ang kaanyuan.
At kahit nagtataka may labis labis parin ang kaligayahang lumukob sa kanyang pagkatao ngayon.
Hanggang sa nakatulugan nila ang labis na kaligayan ng kanilang unang pulo’t gata. At kung saan saan na naglalakbay ang kanyang isipan.
Hanggang sa tuluyan ng maging malabo ang lahat. At parang may humahabol sa kanya. Abot abot ang kabang nararamdaman niya ngayon. Bakit biglang nagkaganito? Ang kaninang kaligayahan ay napalitan ng sobrang katakot takot na pakiramdam.
Lakad takbo lang ang kanyang ginagawa nsa kagubatan ng lugar na yun habang sapo niya sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan ang tumatagas na dugo mula sa sugat na kanyang natamo. Parang may tama yata siya ng baril. Bigla nalang niyang naramdaman ang sakit sanhi ng pagkirot ng sugat na iyun.
Tiningnan niya ang mga kamay niya na may dugo.
Dugo????!!!!!
Duguan siya???!!!
Nanghilakbot siya sa kanyang nangyayari sa kanyang buhay ngayon! At labis na takot na ang kanyang nadama ngayon.
Bakit ganito? Anong nangyayari? Punong puno ng katanungan ang kanyang isipan.
Basta binilisan nalang niya ang kanyang pagtakbo.
Sino??? Sino ang humahabol sa kanya?? Or sino ang mga humahabol sa kanya?
At bakit siya hinahabol ng mga ito?
Hanggang sa may nakita siyang pangpang. Abot ang hingal at kaba ang kanyang nararamdaman.
At napatingin siya sa baba ng pangpang.. dagat.. dagat ang nakita niya, hanggang wala sa loob na tumalon siya..... Para lang hindi siya mahabol ng mga taong nakasunod sa kanya. Hindi niya kilala ang mga ito.
Sino ang mga taong ito??? At bakit siya hinahabol ng mga ito?
Naramdaman nalang niya ang pagbulusok ng katawan niya sa tubig. At ang pagtama ng kanyang ulo sa may bandang bato na naroon. Hanggang hindi na niya namalayan ang lahat.