Tahimik lang na nagmamaneho si Duncan habang nasa si Layla ay nag-aalala sa kalagayan ni Danzel sa likod na halos nakahiga na. Kalahating oras pa ang itinakbo ng biyahe nila bago nila narating ang mansyon ng mga Albano. "Maghihintay na lang ako dito," wika niya kay Duncan nang ihinto nito ang sasakyan sa front door ng bahay. Tiyak n'yang bubuhatin nito si Danzel dahil nakatulog na ito. Siya naman ay nahihilo sa nainom at inaantok na rin. "Gusto mong ikaw ang una kong buhatin?" banta nito. Umirap s'ya saka bumaba nang mabilis baka totohanin pa nito ang sinabi. Ginising nito ang kapatid na sinikap namang maglakad habang nakaalalay si Duncan. Nakasunod s'ya hanggang maihatid nito sa silid dahil baka kailanganin nito ang tulong n'ya. "What happened?" Nagulat siya sa tinig sa

