Tinitigang mabuti ng Duncan ang sarili sa salamin bago kinuha ang susi ng kotse sa ibabaw ng bar counter. Halos maubos pa ang pabango n'ya sa kaka-spray kanina pang pagkatapos n'yang maligo. Wala pa ang Mommy at Daddy n'ya nang umalis s'ya sa bahay. Bago siya umalis kanina sa opisina ay inalam n'ya ang address ni Layla sa Auntie Marcia n'ya. Ethan set them up on a date. Wala namang balak sumulpot ang mag-asawang 'yun sa dinner dahil nalaman n'yang nasa bahay na si Marga nang tawagan n'ya kanina. He smiled from ear to ear. Gusto ng buong angkan n'ya na magkabalikan sila ni Layla kahit sinabi n'ya nang nililigawan ito ni Troy ngayon. Wala s'yang ideya kung ano ang naging buhay nito sa Japan bukod lang sa naging nurse ito sa ospital kung saan nagtatrabaho ang Auntie Marcia n'ya.

