Maagang nasa building si Layla nang magbukas ang clinic nang sumunod na linggo. Sa ilang araw na wala pa s'yang pasok ay inasikaso n'ya ang pag-aayos ng apartment na titirhan n'ya sa matagal na panahon. Kung hanggang saan niya kakayanin ang presensya ni Duncan na galit pa rin sa kanya. Noong una itong makitang muli ay gusto n'yang panghinaan ng loob. Kung wala ang presensya ni Troy ay baka tumakbo na siya palayo. It's hard to ignore his angry stare and his resentful tone. Ang sabi ng Daddy Zandro nito ay kaya niyang tunawin ang galit na 'yun na itinanim nito sa dibdib nang hindi s'ya magpakita sa loob ng dalawang taon. But she doubt it. Lalo ngayon na may iba na itong babaeng pinagtutuunan ng pansin. Binuksan n'ya ang opisina ni Dra. Marcia at nagpagpag ng kaunting alikabok.

