"Kumain ka na dahil mauubos lang ang lakas mo kapag hindi ka kumain," wika ng katulong sa kanya. Isang linggo na s'yang nakakulong sa silid na 'to at may dalawang security pa na nakabantay sa labas lang ng silid dahil nagtangka siyang tumakas noong isang araw. Minsan na siyang tinawagan ni Loi at sinabing gusto s'yang ibahay ni Mr. Dela Guardia at dahil umatras s'ya sa usapan nila ni Loi ay ipinadukot siya ng matanda para wala na s'yang magawa. Maayos naman ang kalagayan n'ya at ibinalita rin ni Loi na maayos ang kalagayan ng pamilya n'ya kaya't kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala n'ya. Sinasabi naman ng mga katulong na mabait naman si Mr. Dela Guardia at galante sa babaeng natitipuhan, pero hindi niya kailangan ang pera nito. Kahit gaano karangya ang bahay na kinalalagyan n'ya

