"Wala pa bang report sa inyo ang mga imbestigador?!" inip na tanong n'ya sa Uncle Zane n'ya nang makaharap n'ya ito sa weekly meeting sa Albano Corp. Marahan namang umiling ang tiyuhin na gusto n'yang magmura at magwala sa mga oras na 'yun. Isang linggo nang hindi pa nahahanap si Layla at nag-aalala na s'ya. Kahit ang pamilya nito ay walang maisagot sa kanya. Ayon sa CCTV footage na nakuha nila sa isang parke ay dinukot ito habang tila may hinihintay. Walang plate number ang van at dahil madilim ang kuha ng CCTV at walang malinaw na rason kung bakit ito pag-iinteresan ay ligaw pa ang mga imbestigador. Pero hindi na s'ya makatulog sa ilang gabing pag-aalala. Kailangan ni Layla ng tulong n'ya. Kinausap n'ya nang masinsinan si Thea kung may kinalaman ito sa pagdukot kay Layla pero wal

