Kanina pa nakatingin sa kawalan si Duncan matapos ilahad sa kanya na buntis si Thea. Wala na si Layla pagdating niya at hindi rin nito sinasagot ang tawag n'ya. Kanina pa rin pinag-uusapan ng mga magulang niya at ng ama ni Thea ang pagpapakasal sa kanila pero hindi s'ya umaayon sa anumang sabihin ng mga ito. "I'm sorry," wika niya kay Thea saka yumuko sa mesa para kalmahin ang sarili. "I am not going to marry you. Kung ako ang ama ng dinadala mo ay hindi ko tatalikuran ang responsibilidad ko. But no wedding will be held because I will not marry you." "You can't do this to me, Duncan!" pagalit namang wika ni Thea. "Ginawa natin 'to and I demand that you marry me!" Hindi n'ya gustong bastusin ito sa harap ng mga magulang kaya maayos s'yang nagpaalam na magtutungo sa silid. Marahas naman

