"May bisita ka pala," sarkastiko niyang wika kay Duncan na kung masama ang tingin niya kay Lindsay kanina at masama rin ang tingin nito kay Troy. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa labi na nagtagal ng ilang segundo sa harap ng pinsan nito na gusto niyang mapahiya. She loves his kisses; but not in front of other people. "Lindsay came unexpectedly. Ibinalita niya kung nasaan si Anya ngayon dahil maghahain kami ng reklamo sa kanya sa pagtangay niya sa pera ni Danzel. Why are you with my cousin? Hindi ba't kasal muna ang aasikasuhin mo kaysa ang itatayong medical facility?" She could sense he was trying to control his temper. Tahimik lang si Troy na nakatayo sa gitna ng silid. "May isasangguni daw si Troy sa 'yo kaya sumabay na 'ko." "I will talk to your fiancè later. Pa

