Isang eleganteng silid ang bumungad kay Layla nang pumasok sila sa sinasabi ni Duncan na penthouse ni Ethan. "Bakit hindi ginagamit nila Ethan ang unit na 'to?" tanong niya habang sinu-survey ang bahay. "Nakakapanghinayang naman na walang nakatira dito." "Ethan and Marga now prefer to live with Marga's parents. Wala naman kasing kasama ang mga 'yun sa malaking bahay ng mga Daylan. Si Auntie Margaux ngayon ang nag-aalaga ng apo nito dahil nagretiro na ito sa Albano Air." "Mabuti at nagka-anak na rin sa wakas ang dalawang 'yun," wika n'ya. Naalala niyang dinala pa siya noon ni Duncan sa bahay ng Uncle Zek nito kung saan ginanap ang get-together ng pamilya kapag may ganoong magandang balita. "And I am hoping one of these days we will also announce that you're pregnant," wika ni D

