Nang bumaba si Layla sa tapat ng building ng clinic ay nakasunod si Duncan. "Mali-late ka na sa opisina..." "Kakausapin ko lang si Auntie." Hindi niya ito napigilan nang tuloy-tuloy itong tinungo ang opisina ng tiyahin. At dahil hila nito ang kamay n'ya ay wala siyang nagawa kung hindi ang sumama. "Hi, Auntie!" Humalik ito sa pisngi ni Dra. Marcia na nakangiti nang makita sila. "By the smile I see on your face, I know something happened last night." Kumindat ang doktora sa pamangkin nito habang siya'y pinamulahan naman ng mukha. "Napikot na 'ko, Auntie. We're getting married soon," nakangiting wika ni Duncan na itinaas ang kamay niya kung saan nakasuot ang singsing. Siya naman ay nahihiya nang ngumiti. "Akala ko'y may pag-asa na ang anak kong mag-asawa. Gustong-gusto ko na

