Dumalaw si Duncan sa opisina dahil ilang linggo na siyang hindi nakakapasok mula nang maglabas-masok si Layla sa ospital. Ngayon ay kasama ng Mommy niya ang asawa na naka-bed rest pa rin ngayon. "Congratulations, bro! Ngayon natin nalamang lahat na ikaw ang pinakamatinik sa buong angkan ng mga Albano," tudyo ni Jayzee. Nagtawanan ang mga ito kasama ang asawa nitong si Anikka at ang mag-asawang Ethan at Marga. "Masarap nga pero hirap na hirap si Layla," naiiling niyang wika. "I just hope she gets better after her first trimester." "Mahirap talaga ang magbuntis. Kaya kayong mga lalaki, mahalin niyo at ingatan ang mga asawa n'yo. Hindi biro ang sakripisyo namin mabigyan lang kayo ng anak," panenermon naman ni Marga. "Kaya ikaw, Ethan, umayos ka," natatawang sulsol naman ni Jayze

