Pag-akyat ni Layla sa silid ay agad siyang nahiga dahil sa bilis ng t***k ng puso niya. Nahihiya siyang iwanan ang mga bisita sa ibaba at nanghihinayang din s'yang hindi man lang niya ma-enjoy ang sandaling 'yon para sa kanila ni Duncan. They can't even finish dancing a single song. "Are you alright?" tanong ni Duncan na nag-aalala sa kalagayan niya. "I'm fine. Bumaba ka muna dahil marami pang bisita." "Jayzee and Ethan will take care of the visitors. Sa susunod na linggo ang balik mo para sa ultrasound, hindi ba?" "I hope our baby is fine, Duncan. Kahit ako na lang sana ang mahirapan." "If I can only get even half of the burden you're carrying..." Hinawakan ni Duncan ang kamay niya. "Okay na'ng ako na lang," sala naman niya. "Kailangan natin na may isang matatag sa pamilya

