Maagang nasa ospital ang doktor kinabukasan para kausapin sila tungkol sa tunay na kundisyon ni Layla. Kagabi ay hindi sila halos makatulog dahil sa dalawang kadahilanan: una, kung ano ba ang magiging assessment ng doktor sa kundisyon ni Layla, pangalawa, ay ang desisyon niyang ikasal sila ngayon din dito sa ospital. "Good morning ho, Mr. Albano," nakangiti namang bati ng doktora na kahit paano'y ikinagaan ng pakiramdam niya dahil sa maaliwalas na mukha nito. "Good morning, doktora, we hope it is good news. Uwing-uwi na ho ang asawa ko," biro niya saka ngumiti. "We will see if you can bring her he tonight. Mukhang maaliwalas naman na ang mukha ni Mrs. Albano ngayon kumpara kahapon." "May assessment na ho ba kayo kung bakit palagi siyang nanghihina at kinakapos ng hininga?" "Yo

