"Kumusta ho ang asawa ko, Doktora?" tanong ni Duncan matapos dalhin si Layla dahil sa paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga. Ilang araw na siyang nag-aalala sa kabila ng pagsigla nito nitong nakaraang mga araw. Sa tingin niya'y sinisikap lang ni Layla na huwag ipakita kung ano ang totoong kalagayan nito. At kaninang umaga nga ay hindi na nito nakayanan at agad nagpadala sa ospital. "Mabuti na ang lagay niya sa tulong ng oxygen. But we have to monitor her heart because it became weak. Ipagdasal na lang natin na hindi ito mauwi sa iba pang kundisyon kung saan mapanganib sa batang dinadala niya at kahit sa kanya mismo." "Bakit ho nagkaganoon?" halos hindi lumabas sa bibig niya ang tanong na 'yun. Hindi niya lubos maisip na ang pagbubuntis nito ang magdadala dito ng panganib. "First, k

