Chapter 40

1216 Words

"You're being childish, Layla. Paaalisin mo si Duncan tapos mag-iiiyak ka d'yan sa silid mo. Ano bang pinagseselosan mo? Yung malanding babaeng 'yun?" Napatingin lang s'ya kay Thea na ilang araw na siyang kinagagalitan dahil pinaalis niya si Duncan nang magdesisyon itong doon din manirahan para makasama s'ya. Hindi rin niya alam kung bakit sobra s'yang emosyonal ngayon samantalang lagi namang pinararamdam sa kanya ng kasintahan kung gaano siya nito kamahal. "Galit ba s'ya?" "Frustrated lang. Si Duncan ang hindi marunong magalit kung ganyang tampuhan lang naman. Isa pa, alam niyang buntis ka at maselan ang kalagayan mo. Ipinagbilin niya lang na tawagan ko s'ya kaagad kapag nagkaproblema sa 'yo. Don't tell me pati ako pagseselosan mo ha?" Tumaas ang kilay ni Thea saka ngumiti.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD