Chapter 39

2085 Words

"Ano ang ginawa mo kay Layla? Nasaan ang asawa ko??" sunod sunod na tanong ni Duncan kay Troy. Kaninang tinawagan siya nito ay kasama nito ang mapapangasawa niya na kung bakit magkasama ang dalawa ay hindi n'ya alam. Kanina pa siya naghihintay sa club kung saan ginanap ang afterparty ng fashion show pero hindi sumulpot doon si Layla. "She's inside. Inaasikaso na siya ng doktor." "Mananagot ka sa 'kin kapag may nangyaring masama sa kanya, Troy! Kalilimutan kong magpinsan tayo!" Pinuntahan niya si Layla sa isang pribadong silid kung saan ito sinusuri ng doktor. Walang tigil ang pag-iyak nito kahit nang makita s'ya. Agad niyang hinawakan ang kamay ng mapapangasawa habang hinihintay na masuri ng doktor. "Kayo ho ba ang asawa ni misis?" tanong nito sa kanya. Mabilis s'yang tumango.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD