Kahit nagbayad si Duncan ng malaking halaga para huwag nang ilabas pa ang mga nakuhang larawan na magkasama si Layla at Troy, marami pa ring lumabas sa mga peryodiko na nagpainit sa issue tungkol sa love-triangle nilang tatlo. "Don't mind them," payo ng Daddy niya nang sinabi niyang gusto niyang sugurin si Troy dahil nagpaunlak pa ng interview ang pinsan at sinabing matagal nitong nakasama si Layla sa Japan dahilan para umugong ang haka-haka na nagkaroon nga ng relasyon ang dalawa. "As long as you know the truth, the news will die eventually. Isang buwan na lang ay kasal niyo na. Sabi mo nga, ang mga larawang 'yan ay kuha bago pa man kayo magkaayos." Bukas na ng gabi ang fashion show kung saan rarampa sa runway si Layla ng mga wedding gowns na gawa ng sikat na fashion designer na si

