Chapter 29 Gemma’s Pov NAKAUWI na ako sa bahay ni sir Jonas at agad akong nagluto ng ulam para sa pang hapunan. Nagmamadali ako dahil excited ako maghanap ng afam uy! Pagkarating ko kasi talaga sa bahay ay dinownload ko agad ang app na narinig ko sa babae. Hindi pwedeng hindi ko madownload yun dahil excited talaga ako makahanap ng afam. Nagmamadali talaga ako kumilos para matapos ako sa gagawin ko. Wala akong balak na kumain ng hapunan. Fasting na ako para sexy ako kapag nakahanap ako ng afam. Para tulo laway ba. Agoy! Nang makaluto na ako ng hapunan ay inayos ko na ang plato sa mesa. Ganun talaga ang ginagawa namin. Aayusin muna ang plato, kutsara at tinidor para mamaya hindi na ako tatawagin ni ma’am Ginger. Inayos ko na din ang baso saka ako bumalik sa dirty kitchen. Binalikan k

