Chapter 28 Gemma’s Pov NANDITO ako ngayon sa eskwelahan at hinihintay na lang na tumunog ang bell para makalabas na kami ni Kakai. Medyo naiinis pa naman ako sa adviser namin kanina dahil panay ang utos kay Kakai kahit hindi naman talaga mabigat ang mga books na dala niya. Idol ko pa naman si ma’am Olivia pero minsan naiinis na ako sa kaartehan niya. Sinasaway ko na nga si Kakai na wag niyang sundin at tumanggi siya kapag inuutusan siya dahil hindi naman mabigat ang mga dala ni ma’am. Araw-araw talaga na ganun ang ginagawa niya kay Kakai at talagang napapansin ko na. Ewan ko ba, pero masama pakiramdam ko sa ganun. Maamo kasi ang mukha ni ma’am Olivia kaya hindi ko malaman kung mabait ba talaga siya o nagbabait-baitan lang. Tumunog na ang bell kaya agad kaming lumabas ni Kakai sa c

