Chapter 27 Gemma’s Pov ILANG ARAW na akong ilag kay sir Jonas at kay ma’am Ginger na ako sumusunod. Sa kanya ako dumidikit para hindi mahalata na may something sa’min ni sir Jonas. Natigil na ang pag iyot niya sa ‘kin. Hindi na naman kasi siya makalapit. Halata sa mukha ni sir Jonas na gusto niya akong lapitan ngunit dahil sa umiiwas ako sa kanya ay hindi niya magawa-gawa. May pasok ako ngayon dahil martes ngayon. Tamad na tamad akong kumilos dahil may regla ako. Wag lang talaga paharang-harang si sir Jonas sa harap ko mamaya dahil dragon pa naman ako kapag may regla. Pasalamat talaga ako at dinalaw ako ng dugo ko. Ilang araw pa naman ako nag o-overthink na baka mabuntis ako ni sir Jonas. Hindi pa rin talaga ako pinabayaan ni Lord sa kagagahan ko. Kaya hindi ako magrereklamo ngayon

