Chapter 26 Gemma’s Pov NAKATAYO parin ako sa harap nila sir Jonas at ng babaeng hindi pa pinapakilala ng amo sa ‘kin. Hindi ako makapagsalita at nakayuko lang ako. Napakagat nalang ako sa ibaba kong labi habang nakatitig sa sahig. “New maid? Where is manang?” Tanong ng babae sa mataray na boses. “Wala na siya. Nag resign na kaya may bago akong maid na kinuha.” Sagot ni sir Jonas sa tanong ng babae. “What’s your name?” Tanong ng babae kaya napa angat ako ng mukha. Alam ko kasi na ako ang tinatanong niya. Alangan naman si sir Jonas ang tinatanong niya. Ngumiti ako sa kanya kahit kinakabahan ako. “Gemma po, ma’am.” Sagot ko habang naka paskil ang ngiti sa labi ko. “I’m Ginger. Fiance ako ni Jonas.” Sagot ng babae na nakangiti sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ng m

