Chapter 12 Gemma’s Pov TWO weeks mahigit na akong katulong sa bahay ni sir Jonas at nasanay na ako kapag inuutusan niya ako. Hindi na ako nagrereklamo dahil tinatadtad ko na sa isipan ko si sir Jonas. Pero napapansin ko na hindi na niya ako masyadong sinusungitan. Siguro dahil pinagbubutihan ko talaga ang trabaho ko para hindi niya ako maaway. Medyo effective naman. Kaya minsanan nalang talaga. Natutuwa nga si nanay dahil hindi na daw palaging naka busangot ang mukha ko. Tinanggap ko na kasi na demonyo talaga ang sir ko kaya unawain ko nalang talaga kaysa sa ma highblood pa ako. Stress na nga ang mukha ko, ma s-stress pa ako sa kanya kaya wag na uy! Goal ko pa naman sa buhay ko ay gumanda ba. Maganda naman ako pero kapag bagong ligo lang. Kapag hindi na ako bagong ligo aw.. tuara

