Chapter 13 Gemma’s Pov MASAMA talaga ang loob ko kay nanay dahil sa ginawa niya. Hindi talaga ako nagsasalita habang kumakain kami. Panay pa siya kwento pero hindi ako sumasagot. Sino ba naman kasi ang matutuwa uy kung ganun ang ginawa niya. Ako ang nagpaka hirap magluto pero inangkin niya dahil lang sa pinuri ni sir Jonas ang ulam. Sigurado ako na kung pangit ang pagkakaluto no’n ay baka siya pa ang magturo na ako ang nagluto. Masama talaga loob ko kaya ang ginawa ko no, ay mabilis akong kumain at agad na hinugasan ang pinagkainan ko at lumabas ng kusina. Bahala siya maghugas ng plato niya. Alam ko naman na may utang na loob ako sa kanya pero sana naman wag naman niyang gawin yun sa ‘kin. Nagpapalakas nga ako kay sir Jonas dahil palagi na lang niya akong pinag iinitan. Baka isip

